Album

Gatas at Asukal


Sari-Sari Story
Gloc-9
Producer: Raimund Marasigan
2024

Intro:
Tuloy-tuloy ang halo
Ang kutsara sa loob ng tasa na bilog

Chorus:
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

Verse 1:
Ako si Aristotle, makatang taga-Rizal
'pag may lapis at papel, tawagin mong kriminal
Kasi 'di puwede ang talas na tangan 'pag karibal
Tuwing makikipagtalastasan, ay tila animal
'di mahilig sa pasiklaban, ang pakay lamang ay
Palawigin ang kasipagan upang makasabay
Sa mga bago, humango, patong, puwedeng tumangay
Ang gamu-gamong napaso, huwag ka lang palasuway
Mas mahaba ang sungay ay mas madaling mababali
Kapag nagbibigay-pugay ka, lagi mong mababawi
'di na suweldo kundi karaniwan aking binali
Tagalog na naiintindihan kahit anong lahi

Pre-Chorus:
Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang
Laging sigurado, garantisado, 'di malamang
Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan
Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman

Chorus:
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
(Tuloy-tuloy ang halo)
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
(Ang kutsara sa loob)
Para 'di mabanlian ang balat na makati
(Ng tasa na bilog)
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
(Tuloy-tuloy ang halo)
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
(Ang kutsara sa loob)
Para 'di mabanlian ang balat na makati
(Ng tasa na bilog)
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape

Verse 2:
Inutusan ni nanay na bumili sa tindahan
Gatas at asukal, laruan na pinaglumaan
Nang lumaon sa Maynila, ako ay napadaan
Isang batang mga tula ang dala niyang kayamanan
Kahit dehado sa iba, ako'y mukhang bagong salta
Kinabisado nang husto ang kakantahin na kanta
Peke na sapatos, damit ko na merong mantsa
Sa mga tingin na parang 'di ako matantsa
Nakapikit na tumawid, 'di baleng pabaliktad
Kahit maalikabok, alam ko na makintab
Ang pangarap na umaapoy, naglalagablab
Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag

Pre-Chorus:
Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang
Laging sigurado, garantisado, 'di malamang
Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan
Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman

Chorus:
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
Para 'di mabanlian ang balat na makati
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape
Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki
(Tuloy-tuloy ang halo)
Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi
(Ang kutsara sa loob)
Para 'di mabanlian ang balat na makati
(Ng tasa na bilog)
Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (Pe)

Outro:
Tuloy-tuloy ang halo
Ang kutsara sa loob ng tasa na bilog



OTHER LYRICS

Realest (with Eminem)

DU4LI7Y: REDUX
Ez Mil
2023 Album

Ganun Lang (Interlude)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Sometimes

Sometimes
Migo Senires
2014 Single

Amanamin

Ikugan
Calix
2018 Album

Yosi Break (Interlude)

Paglaya
Lexus
2018 Album

FEATURED ARTICLES