Intro:
Rapper na sila, rapper na ako
Nag-rarap na rin sila, so mag-rarap na rin ako
Rapper na yung adik, rapper na yung tambay
Rapper na yung nakiuso naming kapitbahay
Verse 1:
Ni minsan hindi ko pinangarap na sumikat
Gusto ko lamang talagang sumulat nang sumulat
Ipahayag ang saloobin sa pamamagitan
Ng pagtula na merong musikang namamagitan
Kung ano ang rason, pwes hindi ko rin alam
Kahit walang makinig, wala nakong pakialam
Pinang araw-araw na gawain itong pinili ko
Ito ang paraan upang i-express ang sarili ko
Sa mga saloobin, kalungkutan man o saya
Paliguan man ng mga kalikuan ay siyang nawa
At tatangapin ko para sa napili kong landas
Pasugod kong tinatahak at ako'y di na umatras
Habng naglalakbay sa isipan ko'y merong nabuo
Wala sa balat ang pagiging rapper kundi nasa dugo
Sa tuwing tinatanong nila kung ba't nararap daw ako
Isa lang ang aking sagot kasi rapper po ako
Chorus:
Rapper na sila, rapper na ako
Nag-rarap na rin sila, so mag-rarap na rin ako
Rapper na yung adik, rapper na yung tambay
Rapper na yung nakiuso naming kapitbahay
Rapper na lahat pati yung lolo ko
Rapper na lahat ng mga nakikita ko
Magiging rapper din ako gagayahin ko kayo
Usong-uso na ang rap, makikiuso rin ako
Verse 2:
May mga panahon na ang Hiphop tinuring nilang gangsta
Hahabulin sa kalsada kailangan matulin ang ratsada
At ako handa ko nang pasukin ang tadhana
Gagawa ng rap kahit magkanda duling sa pagbasa
Sa pagrarap para akong nagtatayo ng bahay
Freestyle ang ginawa kong pundasyon ng mga batay
Ang panulat ballpen, lapis, at papel
Ginagawang pananggalang at yun ang nagsilbing pader
Kaso may mga anay na planong sumira
Sa mga hakbang ko para daw lalong humina
Sila yung mga rapper na inggit na inggit
Malalaman mo kasi sayo'y dikit nang dikit
Mga nakikisali lang sa ganitong musika
Kung ano daw ang meron ka dapat meron din sila
Sa twuing tinatanong nila kung bakit ganito daw ako
Isa lang ang aking sagot, rapper po ako
Repeat chorus
Verse 3:
May rapper na magaling bumattle pero di magaling mag rap
Nakakainis lang sa mainstream sila yung unang tinatanggap
Ala eh, obvious yung ka kornihan nire
Sabagay ang laban pa pogian na kasi
May rapper na magaling, may rapper na tanga
May rapper na hindi alam na rapper na sila
May rapper na pag nagrap mas malambot pa sa corned beef
Rapper na datihan pero isang dekada nang offbeat
Rapper na baduy, rapper na panggap
May rapper na namatay dahil sa pagrarap
May rapper na puro pera lang ang iniisip
May rapper na wala sa tono pero pinipilit
May rapper na ginawang hanapbuhay ang tula
May rapper na sobrang bilis yung bibig niya bumubula
May rapper na hindi marunong makihalubilo
May rapper na madalas pang mag-rap kaysa maligo
May rapper na kaya nag-rarap para kumain
May rapper na sobrang galing di marunong magsaing
May rapper na kaya nag-rarap para sa babae
May rapper na macho pero gusto ng lalaki
May rapper na pacute di marunong mahiya
May rapper na hindi nawawalan ng pulbos sa mukha
May rapper na sobrang baho ng hininga
May rapper na pag nagrap yung mic kinakain niya
May rapper pag nagrap parang nasiraan ng bait
May rapper na para ng kurtina ang damit
May rapper na mayaman kumpleto sa gamit
Pero pag nagrap ha nakakabwisit
May rapper na nasobrahan sa yabang talaga
Pag nag kwento parang movie bidang bida siya
May rapper na ganyan, may rapper na ganito
Kaya ko naisulat to kasi rapper po ako
Repeat chorus (2x)