Single

Sa Dulo (feat. Droppout)


Sa Dulo
STPHN
Producer: Ochomil
2016

Intro (Droppout):

Nasan nga ba talaga ako

Nasan nga ba talaga ako

Nasan nga ba talaga ako

 

Verse 1 (STPHN):

Sumikat na ang araw, pag lubog ng mga bituin

Pero di natinag na masilaw kahit mata'y mapuwing

Sasagupain, kahit taliwas at salungat pa sa batas

Tama binagtas, taos sa puso kasangga mo ang nasa taas

Hakbang na delikado, matagal nang pinagisipan

Inalay oras at dugo, katas ng pinagpawisan

Pero kalmado aking buwelo kaya bangka laging yamado

Sumabak samin ng pusta nang di ka madehado

Kasi matindi di pwede humindi ayaw magsisi ng pasya sa huli

Kahit kapos sa pag-intindi sa larangan pa rin na to ang pinili

Samut sari ang dinanas na asar pangungutya

Subalit hindi ito sapat para tumigil ako sa pagkatha

 

Chorus (Droppout):

Nasan nga ba talaga ako

Tila ang init at napakadilim ng paligid ko

Wala akong makita dama ko lang kalansing at bayo

Tanging gabay ko lang sa paghakbang kordon nitong mikropono

At mga boses na nagmumula doon sa dulo

 

Verse 2 (STPHN):

Punuan sa eksena wag magalinlangan

Dapat buo loob mo nang tikas masubukan

Matira matibay daw sabi ng karamihan

Kung parte na ng buhay mo wag nang kakabahan

Tumayo na ang bata sa sariling bangko

Handang magsakripisyo para sa likhang disenyo

Gawang bantog, rekadong hinanda na masahog

Di na mapipigilan ng bagyo, kidlat, pati kulog

Tamang landas namuhunan sa lakas

Ng talino at talento pag-ibig hanggang wakas

Di na to titigil kahit maubusan pa ng oras

Mas barako nasa lasa matapang na ang katas

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (STPHN):

Kapag narinig ang bayo sasabayan ng tono

Kakaibang gasolina ikakarga pag bitaw ko

Kapit kapatid wag mahulog sa patibong ng iba

Pero ngayon gising na ang natutulog na mantika

Di tamad at kupad doble kayod kasi isasagad

Kailangan na ata matulog na ang mata ay dilat

Sapagkat daming pangahas kaya dapat alisto

Pag dududahan huhusgahan ang iyong talino

Dapat husayan patunayan na may puwang ako sa ganitong larangan

Di mo inakala na aabot kami dito kahit na minsan nahihirapan

Lahat ng dedikasyon ko ay binubuhos ko na

Ikaw para sa nakikinig hala sige libre husga

 

Repeat chorus

 

Outro:

Mga boses na nagmumula sa dulo

Mga boses na nagmumula sa dulo

Mga boses na nagmumula sa dulo

Mga boses na nagmumula sa dulo



OTHER LYRICS

Lapis At Papel

Diploma
Gloc-9
2007 Album

Tukso (feat. Sickreto)

Tukso
Doughmino
2019 Single

Prologue (feat. Howle)

Soully, Yours EP
Curtismith
2017 Album

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio)

Prototype
Dello
2014 Album

Violet (feat. Jmakata and Colt)

Violet
Alisson Shore
2018 Single

FEATURED ARTICLES