Intro:
Ilan na ang panalong inuwi
Di na para magkunwari
Minsan na rin akong muntikang masawi
At natutuklasan pa mga dapat alamin
Na nalilikom sa sarili kong mali
Kakumpitensya sa laro ang kahit sinong katabi
Dami ritong magaling, kasabay kong magpunyagi
Ngunit sa t'wing nag-eensayo sa malalim na gabi
Dun ko na naririnig ang pinaka mahusay kong katunggali, uh
Chorus:
Kaliwa't kanan na patugtog
Malaking kahang nadagundong
Sulitin ang pagkakataong 'to
Nakatutok na lahat sayong pagtungtong
Kaliwa't kanan na patugtog
Malaking kahang nadagundong
Sa paghingang mapapabuntong
Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo
Verse 1:
Kaba sa dibdib, mabigat na bitbit, sa gitna nakatayo
Kasabay ng balahibong nagsisitindig
Nakakahindik parang nag-iibang anyo
Kapag sinimulan nang bagsakan ang himig at bayo
Bahala na silang nakikinig sa pagsalo
Hindi ko na alam sinong sang-ayon
At hindi sa samu't saring indak
Na nakikita ng mata ko, mga ilingan at tango
Pakikisalamuhang nakikipagpakiramdaman din nang patago
Sa hindi man kakilala o di ko katalo
Nakakubli lang ang gigil sa loob na daigin kahit sinong kalahok
Kumpulan man sa dami ang mga duda sakin masasabi kong
Basta 'di na para bilangin kasi 'pag 'di na matantsa
Lalo 'kong ginaganahang ipakita pa ang 'di rin nila sukat akalain
Apoy ang kada punto, para sa lahat ng tengang nakatutok
Kung may panibugho man o galit, hayaan na matupok
Sa ilong na lang nila palabasin ang usok, mm
Mga waging tinangay, pagdating sa patagisan naging panabay
At matapos kong kunin ang panalo, nakikipag-lamano
Pinapakita ko lamang kung pano yung panis, kinamay
Repeat chorus
Verse 2:
Ito'y hindi lang pag-aangas sa tunog
Bilang pinagtibay at nagbanat ng buto
Ito'y pagpapakita lang ng lakas ng loob
Ng nagsunog ng kilay bago magtaas noo
Naging hasa at subok na may balanseng natutunan
Upang kalkulahin ang katangian ko na lulan
Naitalang galing mas higitan at talikuran
Kasabay ng harapin din ang sariling pagkukulang
Malimit na matumal sa aktibong ehemplo
Estudyanteng mahiyain, nakatikom lang pero
Potensyal ay sikreto naging ibang klase
Pa rin at malikhain sa likod ng kwaderno
Sa daming nabuo, nagamit na udyok
Alanganin na kutob sinabay saking paglunok
Kada mainit na laban, talagang pinagpuyatan
Nagsisilbing katunatayang inalay pawis at dugo
Mula sa katiting hanggang maging dagsa
Gutom at gigil na mas nagningas pa
Nung umpisa ay sino 'to? Hanggang gawing paksa
Nakasungkit ng titulo, wala pa ring mantsa
Sa bilang ng mga waging naitakda
Masawi man, may maiiwan pa ring tanda
'pagkat aking marka, nakadikit na sa pangalan
Kinilala sa sulat, tila naging lagda
Repeat chorus