Intro:
Lechon
Verse 1:
Sobrang bobo niyo, tingin niyo sakin salbabida
Kasi, ako ang laging nakikita
Mahilig daw sa kakanin, tsaka purina
Mga payatot nainggit mga walang protina
Ang sarap ng B-MEG, yeah
Tsaka madaming de lata
Paresan, utak at taba, itlog, tokwa
Maanghang talagang nakakagana
Piniritong kambing, may gatang tilapia
Hangga't may bahaw na tira mag sasangag ako tuwing umaga
Pulutan ko mani, para hindi masusuka
Inihaw na balat, wag mo ipatutusta
Ako ay mataba, di niyo 'to matutumba
Ang aso nakahol, kasi wala 'kong tinira (rawr)
Tapsilog at chicksilog lahat ay pipiliin ko hindi naman pihikan 'to
Pre-chorus:
Parang karne na sarili ko
At ang laki ng bilbil ko
Parang karne na sarili ko...
Chorus:
Sa asin, paminta ay ibabad
Lagyan ng Magic Sarap, ulam pasarapin
At timplahin, bago mo sa kawali 'to ilipat
Talsik mantika ingat, ihanda ang takip
Napakasarap talaga ng pork chop
Sawsaw mo nang konti sa ketchup (mmm)
Dos mong pera ibili mo ng chichirya
At ang tunay na masiba dito ay ang salbabida
Verse 2:
Pagtingin sa salamin, hindi kasya sarili ko
Kubeta nagbara, sa dami ng tinae ko
Kailangan pa na bombahin para ito'y mapalubog
Si mama napamura, gutom sila ako'y busog
Bagsak ang presyo ng pagkain do'n sa Recto
Pagsubo ko may nakita akong insekto
Nasuka 'ko at ako ay nag reklamo
Kaso tinawanan lang ako ng tindero
Kaya lumipat akong Monumento
At naakit sa usok ng inihaw na liempo
Pagtikim ko panalo kaso yung sabaw masebo
Pag ako nag maoy, tiyak taob ang kaldero
Nawalan ng panlasa, di naman naka-droga
Aking dila napaso sa mainit na sarsa
Maganda Sinandomeng 'pag sinaing maalsa
Malinaw ang mata ko nang dahil sa kalabasa (whoo)
Repeat pre-chorus and chorus
Outro:
We're out here eating chicken, unli rice para hindi mabitin
We're out here eating chicken, unli rice para hindi mabitin