Album

Salbahe (feat. Tanya Markova)


Talumpati
Gloc-9
2011

Chorus:

Lagot ka sa nanay mo

Palo ka na ng tatay mo

Bat ganyan ang ugali mo

Huli ka, wag kang tatakbo

Mga salbahe, hindi kasali

Dun sa naghahanda kang itali

Mga salbahe, hindi kasali

Dun sa naghahanda kang itali

 

Verse 1:

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

Parang kapitbahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo

Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho

Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto

Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto

Di katulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo

Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo

Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos

Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos

Kailan ka pa magbabago, eh paano

Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo

Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay

Wag kang makialam

At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay

O buhay mo'y di ko alam

Pero pano ba yan, palaging tandaan

Ito ay kanta ko hindi ba

Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra

Parang ayoko nang pumasok kasi kung makatingin ay parang cobra

Pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta

Di na nga matapos sa pagsusulit, wala pang makuha na suporta

Pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok

Kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano

Ang pabaon lagi ay burong, dapat mataas ang marka sa bunot

Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot

Mawalang galang na po ma'am, di po ba kayo makaramdam

Sino pong may sabing ang mga pananakit niyo'y

Parang kagat lang ng langgam

Alam mo ba ganito, sabihin sa akin ay wag kang makialam

At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam

Pero pano ba yan, palaging tandaan

Ito ay kanta ko hindi ba

Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento

Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse

Kasi palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste

At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse

Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe

Upang makahingi sayo ng kahit na konte, akin na bente pesos

Kasi pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios

Pero ang totoo po niyan, para di kumalam ang kaniyang tiyan

Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan

E-e-e-inhale, exhale... pwede ba tigilan mo na nga yang rugby

Hindi ba tama naman ako sabi nga ng tatay mo sakin exactly

Pero alam ko kung anong pwede mong sabihin sa akin ay wag kang makialam

At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam

Pero pano ba yan, palaging tandaan

Ito ay kanta ko hindi ba

Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Akala Ko

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Ayoko Na Sana

G9
Gloc-9
2003 Album

Rent Money (feat. Rocky Rivera)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Clean

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

Dapat Tama (feat. Denise Barbacena)

Dapat Tama
Gloc-9
2012 Single

FEATURED ARTICLES