Album

Senyor (feat. Apoc)


Meron Na
Loonie
Producer: Apoc
2023

Verse 1 (Loonie):
Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit
Papunta ka pa lang, pang-walo ko nang balik
Napakapait kahit magpakabait
Kadalasan kung itrato napakasakit
Pilit ginagaya't pinaplano madaig
Parang tatay ng mga inggratong magkakapatid
Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis
Hindi rin basta nagpapadala sa dilang matamis
Pambihira ang bangis, tindigan at ng karisma
Partida di pa yan napapahiran ng langis
Beterano ang galawan, malinis kung kumitil
Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil
Kung sasagot ka sa'kin, sa dulo dapat may sir
Hindi tayo magkapareho, matuto kang lumebel

Chorus (Apoc, Loonie):
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)

Verse 2 (Apoc):
Ako naglatag ng daanan bago ka nakapanik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Sa ganitong kultura, di alam ang kalakip
Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid
Di 'to paingayan ng mga kanta sa net
O paramihan ng karangalang makakamit
O pabilisan sa karera sa eksena sa halip
Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik
Di mo nabatid, dami mong kalaban
Hindi ka babayaran, kung walang palakpakan
Yung mga kritiko na maraming nalalaman
At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan
Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran
Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang
'pagkat madali mag-rap at sumampa sa tanghalan
Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?

Chorus (Loonie, Apoc):
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)

Verse 3 (Loonie):
Simulan natin kay Francis Magalona
Andrew E, Michael V, Gloc-9, at Apoka
Urban Flow, Arbie Won, Mastaplann, BB Clan
Legit Misfitz, Ghetto Doggs Version 1
Denmark, Kulay, MC Lara, Lady D
Bass Rhyme Posse, 4 East Flava, DFT
SVC, Madd Poets, D-Coy, Pamilia D
M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy
Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock
Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb
Chinese Mafia, Down Earf, Nasty Mac
Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track
Pasensya, di kumpleto, di ko nabanggit lahat
Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap
Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak
Hayaan niyong alayan ko kayo ng mga bulaklak

Chorus (Apoc, Loonie):
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)



OTHER LYRICS

1z

1z
MANILA GREY
2016 Single

Pwede Na ‘kong Mamatay

Pwede Na ‘kong Mamatay
Because, FTD, LarkMester
2018 Single

3310

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Buti Na Lang (feat. Mcoy Fundales)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Fall Of Men (feat. Young Galaxy & Defcon)

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES