Chorus:
Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daan nang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat
Pasasalamat sa may likha dahil binasbasan ang aking tinta
Naging gabay sa'king daan nang 'di uminda
Sa bawat hamon, salamat, salamat
Verse 1:
Alam mo na kung sino 'to kaya salamat agad
Salamat po sa buhay kong sagad, salamat sa God
Salamat sa mga aray na kasabay sa lakbay
Salamat din sa mga aral, galing sa'king sablay
Salamat nakatayo, salamat 'di bumigay
Salamat nakalayo, salamat din dumighay
Salamat nalabasan 'yung malubak na daan
Salamat dahil may sagot na kung papunta saan
Salamat sa mga biyaya na dumadating
Salamat may solusyon na, 'di na dumadaing
Salamat dahil mas tumatagal bumabangis
Salamat sa sarili ko, walang pumapanis
Kaya kung magdasal ngayon pasasalamat lang
Ibabalik lahat sa mga nararapat lang
Salamat, thank you, matsala pati arigato
Hindi na maaawat, yes, I, aariba 'to, uh
Repeat chorus
Verse 2:
Pasasalamat sa bawat umagang gumigising
Sa bawat butil ng kanin sa plato na nagiging
Lakas sa araw-araw pagkatapos kong kainin
Salamat sa pag-ibig, sa musika, at sining
Salamat at ako'y hindi sakitin
Merong kamang nahihigan kahit walang ka-siping
Sa kabila ng pagkabilanggo at mga hearing
Salamat at mga anak ko ay aking kapiling
Pasasalamat sa lahat ng mga tunay kong kaibigan ko na laging nand'yan
Pasasalamat sa lahat ng mga nag-alis sa akin sa maling daan
Pasasalamat sa aking pamilya na maaasahan ko kahit saan
Pasasalamat sa mga kalaban kayo ang rason kung ba't nasilaban
Mga salitang matatamis, mapapait, at maaalat
Na madalas maging sanhi nang nasawing mga pangarap
Parang pangako, mahal kita patawad
Walang anuman ang makakadaig sa salitang salamat
Repeat chorus (4x)