Intro:
Bagamat makulay ang mga pabalat
Alam mong mahusay ang pagkakalahad
Mga tunay na ganap, isinulat ng pa-rap
Kaya wag ka nang magulat kung magtutugma lahat
Sapagkat ito'y galing sa memorya
Isang napaka-importante na istorya
Ito ang aking personal na testimonya
Pangontra sa mga ignorante na teorya
Verse 1:
Ito ay tunay na buhay, wala 'kong dahilan
Para magsinungaling at mga detalye palitan
Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman
Ng marijuana ng mga parak na mukhang Taliban
Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas
Sa isang gusali doon sa may Ortigas
Walong oras bago ang rehas ay mahimas
Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas
May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon
Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon
Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon
Dahil meron pa 'kong pupuntahang isang okasyon
Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shaun
Yun lang ang alam ko na detalye pa noon
Medyo masama ang panahon, umaambon
Kaya tinext ko na si utol, pumunta ka na ngayon
Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi
Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee
Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby
Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari
Saan tayo pupunta? Private daw na party
Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati
Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy
Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby
Pangalan daw ay Shaun, walang pake sa money
Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy
Lumambot ang aking puso nung una ko narinig
Naawa ako kay Shaun, mga luha nangilid
Nung nalaman kong lagay na daw ng bata, tagilid
Di niyo kailangan magbayad, pupunta 'ko sa event
Rekta sa Makati kahit traffic ay ikainip (Hay!)
Kasama ko si Rude at si Ivan, ang sikip
At si Kuya Albert, yung driver kong mabait
At tsaka si Idyll, aking manager at kapatid
Na merong thalassemia, isang kakaibang sakit
Kailangan niya laging salinan ng dugo na pantawid
At dahil malapit lang sa hotel yung Makati Med
Sumabay na lang siya sa'min para mas makatipid
Interlude:
Sabay ka na para isang kotse na lang
Verse 2:
Yung katabi ko sa back seat, si Rude Boy at si Ivan
Documentation, security, at hypeman
Bali siksikan kami sa aking tsikot ('Wag malikot!)
Tatlo kaming mga lalaki sa likod
Pagdating sa Makati, sakto lang yung timing
Nag-text na rin yung mommy at nagsabing
Nag-start na daw yung party, sa basement daw yung parking
Salamat sa pagpunta, pasok lang kayo, darling
Pagbaba ng kotse, hinanap ko yung main floor
May nagpa-litrato sa tabi ng elevator
Idol pwede favor? Baka pwede magpa-picture
Kasi idol na idol ka talaga ng anak ko na grade four (Yeah, four!)
Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang Razor
Tapos tinutok sa'kin yung baril ni Terminator (Hasta la vista)
Pero bilang narrator, lagyan natin ng flavor
Para di masyadong halata yung trauma ko na major (What the fuck?)
Nakakagulantang 'sangkatutak na ninja cops sa amin ang tumambang
Parang Wu-Tang Clan lang, lampas sampu lumabas sa van
"Pasensya na idol, napag-utusan lang"
Humakbang paatras at wala nang nagawa
Tinutukan ng beretta sa mukha, pinadapa
Pinosasan, pilit pinapatingin sa baba
Mga bulsa namin, isa-isa nilang kinapa
Akala ko kidnap for ransom ang sadya
O kaya baka prank lang 'to na malala, 'lang hiya!
Interlude:
Dapa, dapa, dapa!
Kamay sa likod, tingin sa baba
Dapa sabi eh!
Verse 3:
Nakadapa kami habang napapanood
Ng aking utol na kasalukuyang nakabukod
May tinabi silang kahon, malakas kaniyang kutob
Na meron 'tong mga lamang kontrabando sa loob
Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak
Nung isa na sa mga kasama nila nasapak
Walang uniporme at naka-maskara lang lahat
Walang Mirandang binasa, basta-basta lang agad (My God!)
Sikat na hotel at nakakapagtaka'y
Maraming CCTV, lahat nakapatay
Wala man lang body cam na nakalagay
Kahit kuha man lang ng cellphone gamit kamay
Sabi daw ng pulisya, sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma
Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma
Walang video ng palitan magmula nung umpisa
Kung under surveillance pala, dapat may footage ka
('Di ba? Kung under surveillance pala, dapat may footage na)
Verse 4:
Kung normal na tao, nagva-viral 'pag nahuli siya
Paano na lang kaya kung si Loonie pa?
Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena
Mga ulo nila, biglang nagkaro'n ng bumbilya
Para ma-promote sa pwesto, ako ang pinuntirya
Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida (Di ba, di ba?)
Bigla silang nakaisip ng ideya
Kasi napanood nila 'yung live ko sa PDEA
Nung binan nila 'yung kantang "Amatz" dahil sa tema
Pero "Maria Hiwaga" ni Sassa? Walang problema
Aba punyeta, talamak na ang taniman
Buybust daw kaso bakit parang madalian?
Di ba dapat pinaghahandaan yan at kalimitan
Minamanmanan nang malayuan, malapitan?
May mga camera na nakatago sa pagitan
Kaya medyo weirdo kasi walang video ng palitan
Akala ko ba buybust 'to na malakihan?
Nakakapagtaka lang, kaibigan
Gusto mong maintindihan at mabatid?
Gamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid
Para sa isang daang libo, magpapaka-astig
Kayang-kaya ko 'yang kitain ng triple isang gig
At kung pusher man ako ng sinasabi nilang weed
Bakit naman ako pa mismo maghahatid?
Ni hindi nga 'ko lumalabas ng bahay tsaka
Bihira mong makita sa kalsada tumawid
At bakit ako magbebenta sa di ko kakilala
Kung sa eksena ko ay maraming nagma-marijuana?
Bakit ko papahirapan ang sarili ko?
Habang sinusugal ang karerang matagal kong pinagsikapan
Bakit isasama ko pa 'yung kapatid kong may karamdaman
At camera man para mag-vlog ng kaganapan?
Walang saysay na mga paratang
Pawang haka-haka lamang para pangalan ko ay yurakan
Alam kong meron akong mga paa na natapakan
Ngunit 'di ko 'yon sinasadya, ako ay tao lamang
Pinaglaban lang ang paglikha nang merong kalayaan
At kung yun ay masama, yun lang ang aking kasalanan