Verse:
Mga bugong pumasok sa bundok ng kasawian
Ako'y nagastang bontoc pugot ulo ang dinatnan
Ng mga dugong burak utak purong-purong kamangmangan
Kaya sa dulo ng bolo tutulo ang katibayan
Na walang kasanayan makipagsbayan kaya madali silang maguho
Naging maikling kasaysayan sila parang ilalim ng rebulto
Kahit taon man o segundo, araw o minuto
Sa maikli na oras matotodas kahit sino aking kaduplo
Ako'y naglalayag sa haraya ng malayang pag-iisip
Gahibla lang nilamang ng tunay na buhay sa panaginip
Dahil sa di ko pinilit sinasabihan ako'y sumingit
Di ko kasalanan siksikan nakalimutan niyo daanan 'to sa gilid
Pero wag na tangkain na sundan aking yapak
Dahil parang pagbigti hindi sumasayad aking paa sa lupa
Pauwing pahalang pag sa aking rima ka sumagupa
Ako'y nagastang lobo sa lumulobong populasyon ng utak tupa
Sunod-sunuran kaya sunod-sunod ang bagaskan ng mga bomba
Hanggang sa mamayapa ang 'yong kapayapaan
At ang imahe di na muling maisalarawan
Di ka makasalita kahit saklolo man lamang
Wag ituring na yabang itong mga nadinig
Di to pagbuhat ng bangko ito'y matapang na pagtindig
Laban sa di nakinig kaya nakalimutang alamin
Ang nakatagong patalim parang sandata ni Altaïr
Na siyang ginamit pangukit ng natatangi na disensyo
At sa aking paglagda lumabas ang salitang perperkto
Perpektong halimbawa ng halimaw sa proyekto
Halimaw sa konsyerto kasama ang halimaw na imperyo
Na minsan merong awa at minsan walang awa
Ganyan pagkatauhan mo'y gemini ng yahwe at yawa
Kaya bugo paminawa ngayon mikropono nasa akin
Wag kang matakot sa pitong kasalanan
Matakot ka sa aking dalawang labing-anim
Hook (8x):
Dalawang labing anim lamang
Sapat na para paglamayan