Verse 1:
Sige makinig ka
Bawat lagapak parang takatak lang ng makinilya
Ikinagagalak na ipakilala ka sa makabagong era
At ako ang bida, mga putangina
Sobrang imba ko sa rima kung ikaw eh di wow mali na
Mahihina, habang sakin sadyang mabigat at
Pambihira, parang galing lamang sa hinaharap
Astig ah! Pinakama-appeal pa pagdating sa pag-rap
Pinagkakaguluhan pa nga ng lahat
Pinagkakaisahan ng mga palpak
Tumpak, 'tong pakyu ko, para sa lahat ng nagdududa
Sarap manapak lang naknamputa
Pagkat talamak na ang basura
Madalas ang paglabag sa batas sapagkat
Kumakalam ang sikmura, kung alam mo lang ang itsura
Kulay ng abo ang pintura
Ang pintuan palabas, mananatili na nakasara
Makakapili ka ba talaga? Oh baka, pilitin ka lang ng mga
Sitwasyon sa buhay na maaari mong ikamatay
Kung di ka sanay sumakay na walang kasabay, kasi pag
Chorus (2x):
Pag gusto ko, kailangan ko makuha
Kung di makuha, aaralin ko na muna
Hindi to basta laro lang, buhay ang nakataya
Kaya kung trip mong sumugal, pumusta ka (pumusta ka)
Verse 2:
Pumasa, ka kaya sa pagsusulit?
O bumagsak, kaagad sa pagsusuri?
Sumalampak habang ako ay
Sumalaksak sa oportunidad
Ko tumanggap ng mga papuri
At pumalag sa mga papuge
Parte ka nga ng kupunan
Ang kaso nga lang utusan
Kunwari makabuluhan
Ang sarap mo naman kutusan
Mahangin ka man parang bintilador
Tatapakan kita parang silinyador
Patay ka pa rin pagkatama ng
Bakal na bala sa batak ko na tirador
Tira dito, tira dun, sarap tirahin ng tirador
Ang kakapal ng mukha, kitang-kita na caricature
Impostor, dinoktor, puro pera-pera tol
Puro peram-peram pero walang meta-metaphor
Puro metamphetam-ewan, buti pa kung nakadamo
Para wala nang away kahit sabihin pa kita ng "putangina mo"
Ugali ko to, kung ako sayo, walang pakialamanan
Tamaan ang dapat tamaan, pakiramdaman
Repeat chorus (3x)
Outro:
Pumasa, ka kaya sa pagsusulit?
O bumagsak, kaagad sa pagsusuri?