Single

Umaga


Umaga
Rambling Man
Producer: Rambling Man
2015

Verse 1:

Bagong gising, lumang kwento, batang musmos, almusal sa impyerno,

"Tangina, bilisan mo nga diyan, manglilimos ka pa!" sabi ni Tatang,

Baon sa utang, sabik sa alak, pag hindi sumusugal bugbog si bata,

Wala nang asawa, tigok sa TB, ubo ng dugo ngayon siya'y sanhi,

Si bata'y lumisan papunta sa lansangan, puson ng halimaw ng kamaynilaan,

Isang hayupan ng iba't-ibang uri; tupa, leyon, mayaman, pulubi,

"Sino ako, sino nga ba diyan?" tanong ni bata sa kalawakan,

Walang tumugon, wag na siyang magtaka, sa mundong walang diyos, walang himala!

 

Chorus (2x):

Buhay ba ako o patay? Wala akong maramdaman, walang pakialam, walang malay,

Tatalon ba mula sa tulay, o ikaw nalang kaya, ang itutulak ko sa hukay?

 

Verse 2:

Bagong gising, lumang kwento, batang batugan, almusal sa purgatoryo,

"Tangina ang aga pa pala" natulog ulit si bata sa kama,

Puro plano, walang aksyon, tanging lungga ang imahinasyon,

Pangako dito, panata doon, hindi naman tinutupad ang obligasyon,

"Balang araw magagawa ko yan!" wika ni bata pag may sisimulan,

Kalagitnaan, pag siya'y nahirapan: suko, yuko, katahimikan...

"Datapwat may bukas pa naman, marami pang oras, maraming paraan,

Kung darating mabuti, kung hindi di wala, bahala na, bahala na...."

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Bagong gising, lumang kwento, batang durugista, almusal sa paraiso,

"Tangina lakas ng amats ko! Hindi ko na alam ilusyon sa totoo!"

Nagsawa si bata sa realidad, isipan niya'y isang kalamidad,

Walang pahintulot lumindol ng tanong, bumagyo ng daan-daang emosyon,

Tinalikuran ang tama at mali, pareho ang tela iba lang ang tahi,

Hindi matahimik, hindi mapakali, tapos na ang amats pero 'di siya bumalik,

Taon ang lumipas, hindi na siya bata, tanging bokasyon, propeta ng kalsada,

Nagbubungangang magisa, sabay iaabot ang lata, "Pahingi po ng barya!"

 

Repeat chorus



Rambling Man - Umaga (2015):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

WUTS RLY GUD

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

No Balance (feat. Calix)

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

Sana Totoo

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Goat

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

RISPONZ (feat. Calix)

KOIGIRL
FEIFEI
2021 Album

FEATURED ARTICLES