Ito'y warm up sa lalamunan parang nagkakape
Walang nais na matabunan sa pinagsasabe
Pero kung ika'y nausog wala akong pake
Aking mikropono yung chick mo nilawayan niya kase
Ang lakas mambara dinaig ang vulca seal
Kahit walang patong sa ulo parating shoot to kill
Sa dami ng stilo ko di mo to kayang bilangen
Pano mo mabibilang balbas ni Bin Laden
Masahista kakailanganin mo kung di mo lang alam
Mas sadista pa to sa anak ni Sadam
Tanggap ko ang iyong hamon kahit bituka mo'y halang
di mo to malalamon ituring mo itong haram
Di mo to matatalo kung pakapalan ng mukha
Makikifoodtrip ako sa lamay mo at di ako mahihiya
Patigasan ng mukha ikaw ngayoy nginunguya
Patigasan ng bars pakingan mo akong dumura
Ako na ang hari ng selda bara koy napakarame
Handa ka na ba pare simulan na pagkalat ng tae
Matatamoy grabe mamatay ka ng dilat
Mata mo'y magugulat parang tinamaan ng kidlat
Cause this flow is so sick kahit sukatan ay basic
Kala mo nag rap si Neo not the singer yung sa Matrix
Shitbrix dinadrop pag ako ang nagrarap
Kala mo world war 2 highlights ang nagaganap
Nung ako ang nawala walang masyadong naghanap
Pagkat takot sila mismo kapag ako ang kaharap
So what's up sa mga pangkaraniwang nilalang
Andito na ang Annunaki ang tunay na lumalang
This time wawasakin ko ang cute nyong mundo
Ang dali nyong tirisin parang nilatang mungo
Mali kayo kung tingin nyo sa akin ay pang gulo
Malambot sakin ang letrang g ako ay pangulo
Na kayang panindigan lahat ng aking sinasabe
Di tulad ng iba ditan iyakin parang gabe
Gun bars bibitawan sa mismong araw ng halalan
Patay lahat ng hurado sa tawag ng tanghalan
Pak pak pak pak yung tipong di ka lilipad
Pag sinabi kong pak pak mamimeet mo na si God
Partida gamit ko ay di yung aking mother tounge
Pag ako nag bisaya sila tanan magka buang
Maguba ang timbangan di muundang ug tuyok
Ing ana kabug at ang akoang utok... utok...utok...