Intro:
Muling nagbabalik
Pero bago yun, gusto ko muna magpakilala ulit
Pakinggan niyo to
Verse:
Sa braso ko ay nakabakat, marka ng pagkakabitak
Naninigas na ugat tanda ng binubuhat na mabigat
Magmalaki ka sa aking harap may dagok ka na matatanggap
Sinasanay mo pa lang humawak bihasa na ko sa pag sunggab
Padausdos na kambyo sa tersera, paspasang pag sugod sa gera
Gumagalaw maski dilim, ang mata'y nag aalab na parang gasera
Pinatawan ng sintensya, isang linggo ang nakalipas,
inagawan ng pwesto ang mahistrado, bawat hatol ay aking pinilas
Nasa kamay ng dukha ang batas, hindi sa nagmamatigas
Handang mamatay, walang pag aari, mag isang nilulutas
Katarungan, hindi matulungan, walang pabuya?
Walang pakinabang, kikitil ng walang alinlangan
Huwad na alagad ay sasagasaan
Sasagabal ay sasamain, sa hangin umaatake di kayang salingin
Paano ngangaratan ni hindi nakatingin
Subalit naka alerto sa iyong pag dating
Simulan mo ng magsulat, mas mahapdi ang tama kesa sa itak
Pag buka ko ng bibig ang apoy rumatrat
Mala bala ang ragasa nasa aking pag talak
Kasing gaspang ng espalto, tantsado ang galaw mo, kabisado
Asal bastardo, panggagantso'y memoryado
Maligayang bati, sa sumasamba sa santo
Ang umaasa sa biyaya, paulanan mo ng asido
Baldado, syang humamon, kalagayan ay delikado, nangahas makapuntos
Ang tira'y binutata ko, planong kontaminado, pano mo matatalo
Ang doble karang, mayroong dalawang mandirigmang pagkatao
Tinalupan ng semento, hinaluan ng kongkreto
Pinagtibay ng lamig at init ang aking rebulto
Ang aking sinasabi'y hindi nakikita sa mata
Sa puso natatagpuan, awitin ko ang nagdala
Huwag kang maingay, pag may nagsasalitang hindi mo pa kakilala
Baka sakaling nasa dalahin niya ang natatangi mong pag asa
Pananahimik at pakikinig ang pinaka mabisa mong sandata
Sa oras na ikay magsalita, sa binibitawan mo'y di makapaniwala
Ang dating naglulubog sayo, pilit sumasabit sa iyong pag ahon
Tila nakalimutan na kung paano ka hinatak pababa kahapon
Kinilala ka nang mag laon, dati, di inaasahan yumabong
Katunayang huwag mang husga kung hindi rin lang ikaw ang nagpapalamon
Mga nananadyang mang ipit, sila ang umaani ng pasakit
Ilang beses na kitang binalaang bawas bawasan ang panlalait
O, pangangarera patungo sa unahan, manguna ka lang di dalawang isip mang gulang
Malay natin sa paghuhukom, ang pipiliin ay ang nasa hulihan
Isa din ako sa namimintas, pero may angkop na limitasyon
Minsan ang pananalamin ang aking bitamina para lang may maidugtong
Pinapansin 'di upang ipahiya, sinusubok kong itama ang mali
Bago dumating ang huling sandali, kaya ako nagmamadalI
Outro:
Ako nga pala si KJAH
Nag mula sa Kamarin
Lungsod ng Kalookan
Mapayapang pamamahinga
Sa mga napag iwanan haha ..