General

Ilang Mga Paalala Tungkol Sa Process of Illumination 7 Remix

Nagbabalik muli ang Process of Illumination. Sa mga balak sumali, basahin niyo muna ‘to!

Anonymous Staff
February 14, 2023


   Sa wakas! Nandito na ulit ang Process of Illumination. Inanunsyo ni Anygma kagabi ang ika-pitong kabanata ng tryouts na may dagdag na “remix” sa pangalan. Bakit nga ba? Ito ay dahil naudlot ang orihinal na plano na gawin ito nung 2021. Ngayong humina na ang banta ng COVID sa mundo, asahan niyong tuloy na talaga ang paligsahan. 

   Basahin niyo muna itong ilang mga paalala bago kayo mag-submit ng inyong entry. Ginawa namin ito para maiwasan ang sunod-sunod na katanungan at para mapadali pa lalo ang proseso ng pagpasa niyo. Goodluck sa inyong lahat at excited na kaming makita kayo sa entablado ng FlipTop. 

Kailangan magpasa ulit yung mga nagpasa dati

   Paumanhin muli sa mga nakapagbigay na dati at naghintay nang matagal. Balak talaga naming tutukan ang tryouts nung 2021 kaso hindi natin mapipigilan ang restrictions ng pandemya nung panahon na yun. Ganunpaman, magandang paraan ito upang makita kung may malaking improvement sa pag-rap niyo at may passion talaga kayo sa larangan ng battle rap. 

Isang beses lang ang pag-submit

   Ang daming ganito nung nakaraan kaya sana naman ay wala na ngayon! Kapag nakapagpasa ka na, ayos na yun! Hindi mo na kailangang ulit ulitin pa para lang makita yung entry mo dahil hindi ito pabilisan. Kung wala kang matatanggap na mensahe mula sa liga, ang ibig sabihin lang nun ay hindi ka pasado. Huwag kang madidismaya diyan! Ituring mo yang dagdag gasolina para mas galingan mo pa. Pwedeng pwede ka naman magpasa ulit sa susunod. Kung merong pa ring matigas ang ulo diyan, disqualified na agad yan.

Kumpleto dapat ang impormasyon

   Kailangan kumpleto ang form dahil kung kulang, pasensya na at hindi ito tatanggapin ng site. Ito ay para makita kung seryosong emcee ka. Ang hinahanap ng FlipTop ay yung “best of the best” kaya kung trip-trip lang sayo ang pagrarap, pwes, hindi ka pwede dito. Ating respetuhin yung mga lehitimo na nagpupursiging makapasok sa liga at makatulong sa pag-angat ng Filipino hip-hop.

   Tandaan na hanggang ika-11 ng Marso pwedeng mag-submit. Sa mga aspiring emcees diyan, ano pa ang hinihintay niyo? Pumunta na kayo sa link na ito at simulan na ang inyong paglalakbay. Para sa mga fans, kita kits tayo sa mga darating na Process of Illumination events. Abangan ang mga venue, siyudad, at iba pang mga detalye sa opisyal na pahina ng liga sa Facebook

READ ALSO:

- Sa Mga Hindi Pumasa Sa Tryouts…

“Unang Banat Kay…”: 12 Tips Para Sa Mga Baguhang Battle Emcee

 



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT