Umuusok na naman diyan sa tambayan na yan
May sunog yata at tugtugan diyan ng maiba lang
San ba nanggaling yan ha? Mabuti meron ka pa
Baka sakaling makarami’t makuntento ka na
May narinig ka bang kwento na sabi sabi lang samin
Na gobyerno ang may hawak nyan na dapat din nating kalabanin?
Ewan ko lang, malay ko ba, kung palabas lang yan satin
Bukas, makalawa lipas na rin yan saking nakain
Tumatagal daw talaga ang sandali
Lalo na kapagka di mapakali
Yosi muna sa tabi, tutal buhay ka pa at mahaba haba pa ang gabi
Wag ka ngang magmadali
‘kala mo lang alam mo na kasi, ganyan ako dati
Lutang ang isip na kumakalam sa daming nangyari
Mula sa safe na safe hanggang sa nabuo ang balanse
Nakitungo’t umatake maski ibayad ay tae
Mukang may sayad man dahil tingin ko ay ibang klase
At kayod kalabaw pati lagareng bakal sa kalye
Sinong makakapagsabing tinatakasan lang namin
Reyalidad na nilalabanan nga namin
Puyat nang dumating sa isip ang ideya sa hangin
May mga dapat pang gawin at bagay na kailanganin
Kaya’t salamat sa laging nagtitiwala pa sakin
Kahit wala sa wallet ang maisukli kong kayanin
Sa bawat lakad na baka sakali at alanganin
Sapagkat di pa mahiligan ng masa ang musikang nasasakin
Wala kong magawa kundi maniwala’t manalangin
Pabagalin nang madali ang oras at pabagahin
Hari harian ng sarili kong galaw sa ilalim
Hanggang manahin ng Kabite ang naitanim natin
Ama namin
Ama namin
Ito ngayon ang ‘yong anak na walang ibang gabay
Kundi ang rap at pangarap kong tinataglay
Alam mo bang palaging sabi sakin ni inay
Na wala kang kapantay
Kaya palagay ko dapat ay ganun din ako tay
Kailangan kong sumabay
Kailangan mong sumabay
Kailangan niyong sumabay
Iwagayway ang kamay
Iwagayway ang kamay...
Bago pa maging abo
Muling ipasa ang tama
Ipasa ang tama
Ipasa ang tama
Sa kanan at pakaliwang muling pag ikot sa mapa
Muling ipasa ang tama
Ipasa ang tama
Bago pa maging abo at may munti pa tong baga muling ipasa ang tama
Bago pa maging abo at may munti pa ‘tong baga
Ipasa ang tama
Ipasa ang tama
Ipasa ang tama