Verse 1:
Hintihit at binuga ang chongke
Binibitbit ang di makaimik sa beat at torpe
Sabit sa ihip ng hangin ang pasaporte
Mula Molino Dos pa lang at pa-Zapote
Hanggang sa mapa-norte
Kapit sa patalim ng dila
At lumalalim kong diwa
Mga gusto kong maging na di niyo kayang ipakita
Di bale na, basta wag mong gayahin ang mahina
Pabagahin ang pipang tama na lang pagka mali ka
Damhin ang ihip ng hangin
Pag-ibig lang satin
Wag mo ng problemahin ang bawat hakbang at lakarin
Ba’t di ka muna kumain o di kaya manalangin
Wag kang praning, utot pa lang yan sa hangin
Tuldok nga lang maski ating mundo kung san man nanggaling
Basta bahala na kung san man dadalhin ng damdamin
Sa sari-saring trip
Nakaw na saglit
Na kahit di na maibabalik ay di ko ipagpapalit
Di ko ipagpapalit
Hook:
Sumabay sa ihip ng hangin
San ka man dalhin
Damhin, habang humihinga ka pa’t gising
Sumabay sa ihip ng hangin
Salamat sa biyayang dumarating sakin
Sumabay sa ihip ng hangin
San ka man dalhin
Damhin, habang humihinga ka pa’t gising
Sumabay sa ihip ng hangin
Salamat sa biyayang dumarating sakin
Verse 2:
Hinithit at binuga ang chongke
Kini-keep pag konti
Dinidibdib ang beat at forte
Pati mata ng korte
Hanggang makaidlip na lang at managinip pa ng doble
Paliparin ang pobre
At nang muling magising, lumilipad pa rin
Baka sakaling marating ang langit at bitwin
Maging kanin ang asin sa alat ng hiling
At maging alamat pa rin di mo man kayang tanggapin
Nagkanda laging may akma na san mang dako at banta
Nang makakain ng gana at pamato sa panabla
Malayo ang tinging nasa hangin, nasa’n ka ba banda
Palipasin natin yang init mo na gamit ang kanta
Wag ka ng mag alala sa mga kailangang mangyari
Isantabi nang mailarawan ang sinasabi
Sa sari-saring trip
Nakaw na saglit
Na kahit di na maibabalik ay di ko ipagpapalit
Repeat hook
Outro:
Habang buhay ka pa’t gising
Habang buhay ka pa’t gising
Habang buhay ka pa’t gising