Album

Bago Ang Lahat (feat. Ron Henley & Kat Alano)


Ultrasound
Loonie
Producer: Klumcee
2013

Verse 1 (Loonie):

Ang haba ng tulog ko masyadong masarap

Daig ko pa ang batang bagong panganak

Ni hindi ko nga alam kung paano naganap

Paggising ko bigla nalang nag bago ang lahat

Yung taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro

Tapos halos dose pesos bawat kilometro

Siguradong mababadtrip dito si Rizal

Barya nalang ang sampung puso, literal

Boksingerong kongresista, pwede na

Palakasan sa pulitika, etcetera

Hindi na uso ang silya elektrika

Tapos si Rustom Padilla may dede na

Tigok na si Saddam, patay na si Osama

Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa

Halalan sa Amerika, nanalo si Obama

Puti na ang pisara, bagong simula na

 

Chorus:

Kat Alano (2x):

Bago ang lahat, alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Loonie:

Pabago-bago, pabago-bago (3x)

Ang panahon at isip ng tao

 

Verse 2 (Ron Henley):

Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura

Ganun pa rin ang bakod bago lang ang pintura

Mailaw na lansangang, bagong gimikan

Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang

Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri

Sa pader, kung san nagpapataasan ng ihi

Panay bagong mukha ang nasa gitna

Dating salimpusa naging aso bigla

Nawala na yung dating mga kasama ko lagi

Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari

Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali

Nagbago ang galawan nawala lang yung hari

Ang daang baku-bako sana maging semento

At ang daang liku-liko sana maging derecho

Pilit kong inisip ano nga bang nag-iba?

Sino nga bang nagbago, ako ba o sila?

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (Loonie):

Taong dalawang libo’t labing dal’wa

Habang tumatagal ang mundo nag-iiba

Walang permanente kundi ang pagbabago

Dating luntian, unti-unti nang naglalaho

Tubig sa ilog Pasig pwedeng inumin dati

Tinitingnan ka ng mata ng Illuminati

Salamat sa wakas, meron nang DVD copy

Meron na ring pirata pati Issey Miyake

Para san pa ang TV, kung meron nang PC

Aanhin pa ang encyclo kung meron nang wiki

Buong mundo nasa dulo ng daliri mo

Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo

May bago kang phone ano ang gagawin mo?

Kung may lumalabas na mas bago kada linggo

Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo

Baka di mo nalang mamalayan biglang mamatay ang katabi mo

 

Chorus:

Kat Alano (4x):

Bago ang lahat, alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Loonie:

Pabago-bago, pabago-bago (3x)

Ang panahon at isip ng tao



OTHER LYRICS

Got Next

Carpe Diem
Skarm
2018 Album

Pamahiin

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Tonight

Tonight
aero.
2015 Single

Weapon Specialist

The Impaler EP
Plazma
2017 Album

Dello vs BLKD

FlipTop presents: Ahon 3
Various Emcees
2011 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES