Verse 1 (Loonie):
Malawak ang isip, matalas ang diwa
Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila
Pag hawak ko na ang mikropono lagot
Bawat bobong tanong may pilosopong sagot
Mag aral nang mabuti yan ang dapat kong gawin
Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin
Tsaka di ko man aminin
Kung ano ang ayaw kong isulat yun ang ibig kong sabihin
Di mo maintindihan pilit mo mang isipin
Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin
Malalim humiwa ang lirikong may ngipin
Palaging sariwa hindi nakakabitin
Bisayang dako
Diyos ko simba ko bakit ganito lahat gusto maging ako
Andami kong pangarap tutuparin ko to
Tagalog, Bisaya, Ingles may punto parin ako
Ano?
Chorus:
Ano mang sabihin mo
Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?
Bridge (2x):
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso, seryoso, seryoso)
Verse 2 (Loonie):
Kahit magkulabo pa kame ng sinsasabi mong the best
Ako'y kanibal pag may bisita kinakain ko yung guest
Kung di mo yon na gets pwes di ka na bagets
Jejemon at putapetz pwede munang umalis
Alis, layas, malinaw ba?
Di mo ba naintindihan parang ni hao ma?
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono
Teka muna pare
Walang sinabe mga letra mo sa akin
Tahimik bawat titik, alpabeto'y wawasakin
Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim
Tawag sa akin sa amin ay hari ng tugma
Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa?
Kase pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa
Anong klase? Gift wrapper o wrapper ng lumpia?
Pero
Repeat chorus and bridge
Verse 3 (Smugglaz):
Tulad din ng dati kong pang bungad
Ay kwento niyo sa pagong
Parang kumento't mga tanong
O argumentong alam mong alam kong alam nyong di na bago parang tunay sa di totoo
Sinung binobo nyo nung halalan nung kailan ba sinong binoto mo?
Ako'y pipilosopo, para sa likas daliring turong sinaulo nang mapangatawan
Bagamat matigas ang ulo'y mayrong malambot na pusong habol ang huling halakhak kahit mapagtawanan
Nangarap ng malayo, may natapos, san nagmula?
Umabante pataas na may pagpapakumbaba
Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ang mga mangungutya
Lalo na kung galing lang din sa mga walang mukha
Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita
Para di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa
Pero baka biglang matulala, alam mo na, magulat ma Eat Bulaga
Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala nyo sakin wala
Wala! Brrrr!
Repeat chorus and bridge
Outro:
Wag kang masyadong seryoso, oh (2x)
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono
Easy lang, easy lang
Wag kang masyadong seryoso, oh
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono