Album

Barya


Illustrado
Illustrado
Producer: Apo Lerma
2017

Verse 1 (Sayadd):

Mula sa distansya tanaw ko't rinig

Nginigan ng mga tuhod at kabugan ng dibdib

Nilang lumampas sa linya umasa sa ginto

Hangad mo na mauna saken

Di ka mabibigo

Tanging inani kagalakan

Naipon pighati nagdiwang sa nakitang

Tamang minali

Kaya kung pwede pakisulit na ang bawat sandali

Sapagkat barya lang ang buhay at masyadong madali

Pumaslang, kumitil, sumira ng bukas

Mahabang lakbay sa pinaikling oras

Sugapa sumingil na piling birador

Binayarang kong higit para isoli ang pabor

Hunosdili kalma di ako mapag patol

Mga lobo’y uma-alulong

At di tumatahol

Pag tapos ng trabaho tahimik na piging

Hindi na maiistorbo tulog mong mahimbing

 

Chorus: (2x)

Ang buhay ngayon, katumbas lang ng barya

Ang buhay ngayon,  katumbas lang ng barya

Ang buhay ngayon,  katumbas lang ng barya

isang bala kaboom , isang bala table

 

Verse 2 (Goriong Talas):

Piring mga mata habang nakakadena

Ka saking kargada naka tutok sa tenga

Nagbibilang ng pera  naging katumbas mo

Tigil na pag darasal mag kikita na kayo

Bat nga ba ganito tanung sa aking kamalayan

Na aking kabuhayan ay maging kamatayan

At kabalik-taran na sinundan na pamantayan

Sa takbo ng kapalaran ko landas na nilakaran

Kaya paumanhin kung sa ilog ka lulutang

Marami nang katawan tinusok na 

Para mang kukulam

Na kailangan kong gawin sa dami ng mga pagkukulang

Pambayad sa kuryente at pambili ng ulam

Pang bawas ko sa utang at pampalit ng lumang

Ang damit ng mga bata

Responsableng magulang

Tinapon kong asin napagod nako mag dil-dil

Di ka na magtatagal tila relasyon mo’y nagtaksil

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (Batas):

Buhay na kinontrata kong katumbas lamang ng bala

Pagkakamali burado tsong basta bayad ng tama

Kamatayan ang makakamit

Sa pag kasa sa kapwa tsak butas kada sa kalabit

Na parang mag asawa (boom) sapul

Rekta biyahe palangit

 Imposibleng magka buhol-buhol, maikli na tali

Huling bilin ng biktima pilit iniwan sakin

Puro dugo sa mukha dinatnan habang kinakain

Tong gatilyo ni BLKD

Para san ang tapang mo

Para paspasan makita kamatayan tol

Dein personal sa trabaho ikay pag aalayan ka nang santo

Oo mura lang ang buhay ng iyong mga kaaway

Kung kupal ka ganun na nga ang umasta

Tsak lamay ang resulta nang sagupa

Hagul-gulan pati tatay

Hay nakooo

Wala akong awa sahod lang aking pakay

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

AYOKO NA

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

New People

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

Hermano (feat. August Wahh)

INVERSE
RBTO
2012 Album

Sabik

Morenita
Illest Morena
2024 Album

Ito Ang Gusto Ko!

Meron Akong Ano!
Francis M.
1993 Album

FEATURED ARTICLES