Mga repa kesa bumenta
Verse 1 (Goriong Talas):
Yo, Illustrado
Tas na pambigkas may letrang mga armas
Ginagamit pang laslas
Sa Hudas at Barabas
Talastas na marahas
Pagtastas na pag pintas
Piniling maging pantas
Magpagilas ng wakas
Tong tinahak na landas
Maangas at may tigas
‘lang yaman na katumbas
Pang bigting gamit sintas
Puro at walang kaltas
Si Lerma at ng Batas
Kasama Sayadd at Talas
Lahat kayo lagas
Hindi hangad ang kwarta
Naki gera kesa pera
Sa tugmaang may kamao
Ni Vera pati Barrera
Mga kutis lanera
Binarena pahilera
Iniiwan sa eksena mga pawikan sa karera
Dala'y itim na sermon
Malala pa kesa grasa
Animo'y isang misa
Na magpapaluhod sa masa
Pinutol na industriya na tila isang kasa
Repormang Illustrado ilalagay sa mapa
Chorus (2x):
Mga repa kesa bumenta
Mas pinili na lumetra
Mga repa kesa pumera
Mas pinili na gumera
Verse 2 (Sayadd):
Nabagot yung madali at madali lang manlamang
Ng mga dunung-dunungan
Pero walang mga alam
Kaya't ang natural na daloy
Sinalungat ko sa paglusong
At nang inasinta ay ya'ong mga marunong
Makakapagpikit pag pikit ng mulat na sa sistema
Nga ba ng misyon pakay sa eksena
Tagumpay pag naghanap na sila ng binebenta
Naaliw panandalian
Para takasan ang problema
Kaya't walang anuman sa mga uod na abang
Nagkaroon naba ng lasa mga puntong matabang
Lantad mag mayabang
Pero sa pakinabang madami
Sa kawalan ng pag-galang yang respeto naani
Mag papaka baduy pa ba ako para pumatok
Apat na pu't limang araw lang pakatay na manok
Kaya't naka antabay mga sa hanay na bulok
Lahat ng to ay kailan ko kaya malulunok
Repeat chorus
Verse 3 (Batas):
Bumenta swak ang tema kahit isang kanta lang
Na tungkol sa pagkaka-isa
Pwede makabayan
Ang bara ko dapat kong bawasan ng yabang
Positibo ora mismo may makukuha na aral
Kailangan mag bait-baitan
Para maging tala
Iwasang makilalang bilang masamang halimbawa
Dapat baduyan ang istilo
Na parang si Basilyo
Kaya ako nandito naka ngarat pa rin sa inyo
Ibahin niyo ako kay Kiko
Di ako bagay maging bida
Sa industriya niyo nakita kong bakla
Mga artista, pinoy sa pag kasiga
Kokoy ako sa wika
Tamang nga-nga bawat bata
Parang wasak na manika
Yeah, dahil mga tugma ko ay parang iba
Usapang lalake kaya't galit mga silais
At ugali ko raw ay tae
Bawal sa telebisyon
Tol ako panginoon letrahan lang relihiyon ko