Sayadd:
Gutom sa lumipas o nakalipas na gutom
Destinasyon umiiwas sa bawat pag sulong
Palulubugin ko na lamang yang daanang pag gulong
Ikaw na lumapit at makasalubong
Batas:
Ito'y may mararating, maputing katulong
Hinaharap ay lasapin malaki na suso
Lahat aasarin ako'y balat asungot
Madami paiiyakin unang gabi ng burol
Goriong Talas:
Ako'y nabuhay sa dilim nato para lamang matuto
Pumaslang nang palihim dulo ng pluma ang pang turok
Ang resulta ay pag patak at pati n arin pag tulo
Ng dugo ng mga banal nasa akin nalumo
Sayadd:
Tumawag sa langit galit na damuho
Sumalo ng pasakit naakit sa luho
Nag pakitang pawis na nais mamuno
Binhi na inutang ay di na patubo
Batas:
Sobrang hangin ng dating na parang Don Facundo
Kahit walang kamay samin napapasaludo
Mas nakaka praning pa sa pag gamit ng bulto
Ang Batas batas pa rin kada sulat ay asunto
Goriong Talas:
Di ala-ala kung di bala ang itatanim sa ulo
Pag daliri itinuro na makapiling nagturo
Walang tamis ng tagumpay sa pait nitong pagsubok
Na hinalo ko sa lasong kung tawagin ko ay pagsuko
Sayadd:
Sagasa sa lahat sumalungat na sa kurso
Ng kalikasan at nag paka tuso
Kalayaan lantaran nang inabuso
Hanggang sa ito'y nawalan na nang punto
Batas:
Bawat tugma nangu-nguna aming numero ay uno
Habang kayo sumusunod sanay kayo sa utos
Sobrang lakas nang alon mga isda biglang nalunod
Imposibleng na matalo parang bawat laban ay luto
Goriong Talas:
At lahat naging abo sa malakihang pag sunog
Parang tulak ng bato sa swabe kong mandurog
To’y pag dagit nang lawin na nilaban sa isang pugo
Kailan ma'y di magsasabay kinakasal na sukob
Sayadd:
Mayroon nga bang pabuya sa papilit na pag suyo
Napapikit sa pag dikit ng mga paa sa nguso
Sa ganto ay mapipigil pa nga ba ang pag guho
Gayon lahat ay dito din naman ang patungo
Batas:
Umiindak habang buhay parang pag tibok ng puso
Munting papel niyo ay wala na kayo ay Anak ni Bakuko
Kami pa rin pinaka matibay tigas hangang sa dulo
Mga bida dati ngayon maging amuyong
Goriong Talas:
______ ligas buga namin ay puro
Pang kayo''y hinog sa pilit na tila kinalburo
Ang trabaho koy hukom ako si goryong taga pugot
Sa lalim nang mga linya walang makakalusong
Waaah... ILLUSTRADO!
ito'y tagaan nang ulo
Nayanig nag mundo sa paglindol, pagkidlat, at pag kulog
Mula sa dilim biglang lumitaw ang apat na ministro ng tunog
Dala ang tambol mga palakol nag aabang maihampas
May samang sigaw at batingaw na may tugmaang katumbas