Ilaya:
Habang unti-unting nawawala ang natitirang liwanag
Na aking naaninag ay pabalik-balik
Ang mga mukang sa akin ay nag lilingas sa galit
Pilit na tinatarak ang kalawangin na karit
May bumibigkas ng dali ay lihiyang ginamit
Ngunit mahigpit pang kumapit upang hangganan di sumabit
Pinipilit bumangon sa huling hininga
Upang lahat sila'y kalusin nang walang matira
Ako'y umukit ng pangalan sa pala tinigan
Imortal aking tinig diwa'y walang hanggan
Lumalaban kahit na mga kapang katay lumiban
Patuloy sa pag talas ang katinig at patinig
Na hinasa ng landas na aking inilawan
Di malilibing ang sining kahit na ako'y lumisan
Walang huling habilin at walang huling hantungan
Saling labi't saling lahi mananatili ang minana ko na laban
Sayadd:
Sa harap ko'y liwanag na lubhang nakaka-akit
Sa likod may nag sasabi na wag akong lumapit
Sa gilid may mga banal na natataranta
At mga diablong umaawit sa kabilang banda
Nasa tagahusga na nga ba ang kapalaran
At mag bibilangan ba tayo ng mga kasalanan
Kung yan ang isip niyo sa bingit nang kamatayan
Ay hindi ako yung nasa alanganin kalagayan
Tara .... Sige ...
Makikipag-tuos ka ba sa enerhiyang namanhid na nang lubos
Kalma .. Sige ..
Mga emosyunal tungkol sa paraiso ng mga delusyunal
At kung anyong pisikal ay paso na panatag
Ko na masisisid yang eternal na alab
Di ka mababasag sa di mo maarok
Kaligtasan sa wala sa iba mo ialok
Goriong Talas:
Tila nag bunga ng lahat ng kasamaan ko
At ang anghel dela guardia ko sakin nagtampo
Habang nawawalan ng hangin at nag hihingalo
Umakyat si satanas para sunduin ako
Parang lahat nalang gumuho at biglang naging abo
Napilayan ang mundo’t bumagal ang ikot nito
Matapos kalabitin ang bakal na nagka ganun
Nag mistulang papaitan ang kutsyon saking apdo
Di naman ko aktor pero lahat naging madrama
Nang unahin ko ang kama kaysa matakot sa karma
Nung tinawag nang laman pang wawasak nang pagsasama
Umawit putok ng butas sa gabe at ang harana
Higa at duguan habang ako'y hubo't hubad
Ganun din ang kalaguyo ko ngunit nakatuwad
At kumalat itong kwento malabagong alamat
Habang naka ngiti ako'y pumanaw ng dilat
KJah:
Nanindigan nang walang sinandigang milagro
May tiwala sa angking kakayahan nang tao
Habang sila’y nag aabang ako ay gumawa
Ng mga bagay na tawag nang iba'y himala
Masamang halimbawa na nga bahay tignan
Kung sinamba ko'y salamin sa aking harapan
Ito ang nag bigay sakin ng kapangyarihan
Hindi mahika dugo't pawis sakin pinag hirapan
Nasaksihan kung gano kahina ang aking kapwa
Wala sa sarili ang kanilang paniniwala
Yun ang hudyat kung bakit kailangan ko mag-isip
Na siya naman bumabangungot tuwing nananaginip
Pero kung kukunin muna
Nawa'y tanggapin mo ang aking pagbabalik ama
Sagrado pag asa ko ang tulad ko'y di lamang
Basta hahandusay nang mapag patuloy
Ang kabangisan maging kabilang buhay
Batas:
Sa huling sandali ng buhay ano ang makikita
May kasama bang pamilya o ramdam mong inulila
Ka ng lahat umalis na para bang nahuli ka
Unti-unting naubos parang may sinding kandila
O baka nasa kapilya nakaluhod nagdarasal
Habang demonyo naka tabi sayo ‘t ika'y sinasakal
Nilason kaba nang sistema pinatay nang kemikal
O kapalaran mo nirekta sa kamay ng kriminal
Pwedeng kasama mo ay pari
Huli mo nang kumpisal o nasa bahay mag-isa
Dahil walang pang ospital
Mundong bumaliktad ito'y paningin ng paniki
Tahimik dati sa buhay ngayon gulo ng pag iisip
Sulit ba kada minuto bawat diskarte na pang-ngisi
O laman nang utak mo puro lang hinayang at pagsisi
Sa sarili hanggang sa ikaw ay matuluyan maging anino
Sa ilaw sa dulo ng bali susungan