Verse 1 (Batas):
Yo, sobrang hiwaga ko lahat kayo
Praning saking husay parang si Lazaro
Ganyan ngayon aking galing bawat talata
Ko tamang bato ito'y ating-ating
Lakas ng banat ko mga tao biglang naging matsing
Ano
Sinabuhay ko tong kultura
At ako naging kampeon
Pauso niyo ay maluluma sa
Pasabog kong kanyon
Ibabalik ko ang istilo na
Para bawal ang baston
Kung alam niyo lang ay yung Gayuma
Pwes alamin niyo to ngayon
Umaaksyon ako maton
Parang tapon mga latak
Bawat tira diretso panga
Sobra sa batak
Yeah
Ako ang batas tsong
Ang panginoon na may sapak
Sobrang taas ko literal na ko kung mang apak
Lahat sibak sa akin parang
Kayo ay may matres
Sibak sa pag bitaw sa parehong
Tagalog at Ingles
Laging kumakasa sa dwelo
Dun ako mabilis
Sapul na bala madakdak
Na parang Bong Alvarez
Chorus:
(Scratch by Supreme Fist)
Aking pagka tao
Aking pagka tao
Aking pagka tao’y nababalot ng hiwaga
Verse 2 (Spade):
Yo. mga linyang pantugmang
Mga guhit sa aking palad
Kinakausap ko'y pumapanaw na lamang kaagad
Taas ng ere ko sa ulap kaya kong lumakad
Tila libo ang kamay yung tipong
Sobra kung mapalad
At pinag pala hindi minamalas
Hawak ko ang kapalaran ko
Kahit bolang kristal di mahulaan ang tadhana ko
Sukatin mo ang isip ko
Nang malaman mong kalawakan to
Na di mababaybay na parang
Simbolo pangalan ko
Dinurog kong nagmamarunong
Lirikokong kamandag na mala ulupong
Nalagay sa kabaong ang mga gung-gong
Sa diablo ako ang bumulong
Sintiba'y nang narra’t kamagong
Katumbas ko'y isang pulutong
Kaya hindi uubra pahangin niyo sakin
Butas na gulong
Doble ang bagsik
Dulot ng banat kong sik-sik
Dobleng tuwa ng nanay mo
Parang binorocha ng tiktik
Dahil sakin napabilang siya
Sa mga bituin at mga tala
Siya naging konstelasyon
Na pasukin ko kanyang bukana
Chorus
Verse 3 (Sayadd):
Isa-isip mo din posibleng na pagkalagyan
Bago mo naiising lutasin ang kababalaghan
Mga sumubok na patago
Kung san yungib sa malayo
Sa korte di mausig
Tila tubig na malabo
Aking anyo hinango
Sa kung san kayo suklam
Sa halip na magpaka pantas ay
Mas nagpaka hung-hang
At nag paka lutang
Walang Sayadd sa sahig
Wag kang magtaka
Kung napaka kalmado sa yanig
Madalas daw ay walang kibo
Kamay ko ay walang dugo
Ganun pa man sa tunggalian
Sila'y bigo pa rin
Kung katotohanan ay nababaliko
Sa tuwing dadaanan may napapaliko
Ba ang nais mong makita ay tapos ko nang gawin
Kaya't hanggang sumalamin
Sa may turnilyong maluwag
Ay tila pakitang tao
Sa sinilang na bulag
May maliwanag na rason
Sa likod ng kaganapang madilim
Di mo pa madama ang hiwa
Kung pinang hiwa patalim masyado
At darating ang panahon
Magkaka intindihan din tayo
At yun ay kung meron pa
Siyang madaratnan
ILLUSTRADO!