Marc:
Isang araw nang may nakasalubong na magandang
Ale na dalaga na akala ko diwata at 'di makapaniwala sapagkat talagang
Maganda ang kanyang mukha at katawan
Tulala sa perpektong hubog ng balakang
At malamang magkabila na dulo ay merong mga ulong minu-minutong nag aabang sa iyong mga hakbang
Ako'y nakatingin hanggang sa gusto ko nalang rin na tumikim
Sa'yo ay nagkatama at hindi ko napigilan na sumama't napilitan kang sundan nang palihim
Sa lugar kung saan uh medyo madilim
At nagulat may magulang na gurang na dumating
Ako ay nagtaka, 'kala ko kanyang ama
Yun palang taga bili ng mga dalagang birhen
Malakas ang dating, nakasalamin
At mukhang mamahalin mga gamit na suot
At ibang klase ang atake at galawan sa babae, siya'y matandang mayaman na mapusok
At pinasok sa loob ng gusali sa loob, at halos lahat ng tao dito'y nagpapaputok
At ako ay nalungkot sa nangyaring kasunod, sa lala ng kaba ako'y napapalunok
Don:
Kaya naman sinubukan sundan kahit na maulan, san ka man mapunta
Gusto sana kitang kausapin kaso nga lang nakita kitang nanggaling sa gusali na pula
Ika'y lumabas lumuluha ang mata, dahil buhay mo'y punong puno ng lungkot at kaba
Bakas sa'yong mukha na palaging tulala at 'di makapaniwala na ikaw ba talaga ang dating
Nakilalang dalaga na parating nakangiti at masaya
Kapalaran mo'y sumasabay na lamang sa hangin, 'di alam ang gagawin kaya bigla kang nagpasya na
Umalis, lumayo.. unti unti kang nagtago
At sa iyong pagkadapa hinding hindi ka tumayo
Nagpatalo ka sa hamon ng kahapon at hindi ka nakabangon
Kaya ngayon ikaw ay nabigo
Imbis na labanan mo ang buhay na mapagbiro
Mabilis na tumalikod at hindi ka kumibo
Kahit mintis na ang lahat, tinitiis mo sapagkat
Bala'y daplis na sa balat pero nilalabanan mo ang mga balakid
Na nakaharang sa harapan at kahit lakarin mo ang hindi tama na daan
Ay handa mo 'tong lusungin, lahat ay papasukin
Gagawan mo 'to ng paraan
Marc:
Kahit bilang bayaran, nakipagsapalaran
At itong trabaho mo ay ayaw mong pakawalan
At biglang naramdaman, makalipas ilang buwan
Parang may bumubukol sa harapan ng katawan
At nang malaman na nag dadalang tao
Pinagbigay alam sa gurang niya na amo
Ngunit sya'y pinagkait sapagkat isa lamang siya sa kabet
Na hindi pinagdadamit 'pag nasa kwarto
Don:
Sa halip na magisip, dahan dahang lumabo
Isang saglit na halik sa dala niyang rosaryo
hindi kinaya ang hapdi, sya ay nagmamadali na umakyat sa gusali na wala man lang plano
Di kayang, yakapin ang sarili pagkat nabihiran ng dungis malinis na balat
Pasensya kung wala akong nakunan na tulong pero handa akong tumulong kaso huli na pala ang lahat