Verse 1:
Sa ilalim ng puno, ako'y nagpapahangin
Nagpapausok at tanawin ay nakatutok lang sa akin
At ubod ng saya (ahhhh)
Ang sarap lang parang nasa langit
Hindi ko rin alam kung bakit
Pero parang mga ulap ay ang lapit lang talaga
Ang taas ng tama, isang dipa lang ang agwat sa akin ng mga tala
Halos di na kaya ngunit susubukan pa ulit
Upang aking matutunan na tabunan ang sakit
Na laging nararamdaman
Para bang eto lamang ang paraan
Para mapagaan aking mga pasan
Para mawala ang mga nakadagan
Ayokong tablan ako ng lungkot
Kayo'y lumayo wag kayo bumuntot
Sa aking lakas bawal ang kumurot
Tsaka na kayo mangulit kapag ako'y tulog
Verse 2:
Andito na ko san na kayo? Malapit lang at wag ng lumayo
Aking dala wag mag alala, mamaya di na kayang tumayo
Sa bigat na hatid, gaan ng ulo pag nasamid
May nakamasid ingat kapatid aking nabatid hangad nilang saya ay mapatid
Hanggang masaid kalungkutan at marahang maparalisa
Aaminin na nabitin kaya lagyan mo pa ng isa
Mapungay na mata, malambing na boses
Tunay na iba, hinambing ilang beses
Walang kaparehas, banayad ang ihip
Malaya ang isip, walang mga rehas
Wag kang makinig sa iba, mali ang alam nila dahil di pa nila alam ang tama
Ayaw pagiba, ng mga saradong isip kanilang buksan na sana
Pero bahala kung ayaw, mas kokonti ang kaagaw
Basta kame laging sinde hating gabi man o papalubog ang araw
(Halina't lumapit ka, halina't maakit ka)
(Halina't malapit na, konting bira ito'y mabubura)
Verse 3:
Sa wakas! Halata mo ba sa mga bakas?
Malayo pa sa may taas pero lumalakas ang mga hagupit at mga hampas
Magaling lamang sa simula pero hirap na 'kong tapusin
Maglaho nalang parang bula? Paano ko to aayusin
Wag mo pigilan ang guhit ng palad
Wag mo pigilan ang naka lathala
Kaibigan wag ka nang mabahala
Mapakinggan lamang ng mga tao ang aking tinig
At ang mga titik na dating ginuhit ng aking kamay
Ang panaginip at ang mga lihim ay kasama ko pag ako'y namatay
(Di mabura parang tinta, di mabura parang pinta)
(Di mabura parang tinta, di mabura parang pinta)
(Di mabura parang tinta, di mabura parang pinta)
(Di mabura parang tinta, di mabura parang pinta)
Verse 4:
Habang nagmamasid sa paligid at namamanhid aking isip at katawan
Pinagmamasdan ko ang sinag ng buwan na nakasilip at
Di makakasingit ang sino mang pumipilit ng paraan para lang humadlang
At pumipigil sa hakbang ng aking mga paang palaging nakaabang
Upang lumutang at maapakan na ang ulap
At ng lubusang mahawakan ang pangarap,
Ningning ng bituin sa alapaap
Ako, sila, tayo magkakasabay
Magkakatabi hanggang mag gabi
Di nila tayo mapaghiwalay
Magkasama kami hanggang paguwi
Pag higa sa kama ikaw ang kasama, medyo malala na dina maalala
Bumababa na ang aking tama, para kang asawang di na magsasawa
Verse 5:
Mga gabi na'ting hindi na maalala ay ang mga pangyayaring gustong gusto natin alalahanin
Kung sino ba ang ating mga nakasama sa lungkot, kasiyahan, solusyon at kahit pa sa suliranin
Pero ngayong oras na ito
Ako na muna ang dapat na mag isa
Gusto ko lamang na sana mag pahinga
Gustong sumama sa kama at mahiga
Huminga ng malalim, langhapin ang hangin na kakaiba
Patuloy pangarapin ang hangarin at hanapin ang mga salita
Aralin kahit na saliwa
Kamay at paa ay puro kaliwa
Di maaaring hayaan ang iniisip ay mapabayaang magiba
Iwanan nyo ko.. para maraming magawa't mabuo
Iwasan nyo ko.. para siguradong wala ng gulo
Dahil sa panahon na ito
Maraming pagkakataon ang pwedeng mabigo
Maaaring mawala ka sa pagkatino
Ma-swerte ka kapag utak mo di bumaliko
Hindi na ramdam ang pasa sa balat
Gusto ko lang na pag masdan ang lahat
Umangat at umunlad ang bawat isa satin at ipagpatuloy ang paglalakad
(Halina't lumapit ka, Halina't maakit ka)
(Halina't malapit na. Konting bira, ito'y mabubura)