WYP:
Naka ilang ikot na ba
Ang langit sa’king paningin
Nagpapalipas lang ng oras
Nagbibilang ng mga bituwin
Na tila ba may hinihintay
Na may makinig sa mga hiling
Ang mga mata sa ulap
Nakikiusap bago magpakain sa dilim
Mga pangarap
Kinumutan na ng mga talukap
Bumitaw na sa higpit ng yakap
Mundo na dating malawak
Kay sikip na ng tinatahak
Pagtingala na lang ba ang natitirang galaw
Hamog lang ang kasama kapag giniginaw
Lalamunan ay nauuhaw
Nasasabik na muling matunaw
Sa alingawngaw ng bulalakaw
Hook:
Panandalian na ligaya
Umukit sa isip nang akoy dumungaw
Sa dagat ng mga talaay gumuhit ka
Na parang bulalakaw
BLKD:
Ako’y ginulat, minulat, ng silaw sa kindat
Na pagsabog ng kidlat na pagliwanag ng lahat
Kinaladkad ang tingin ng naiwang kumislap
Linyang, ginuhit ng kinang ng ‘yong lipad (at)
Walang anu-ano, parang gamu-gamo
Sa tanglaw mo na umikut-ikot mundo ko
Natulala na lang sa ningning ng ningas
Tuwang-buwang, walang muwang sa pagkaripas
Ating nakalipas ay isang kisap-mata
Kung san nasulyapan ay habambuhay na saya
Pag-ibig mong maalab, ligaya ang liwanag
Mahigpit kong niyakap at aking dilim binasag
Bubog na nagkalat mga talang nagkalat
Ng kabulaanan ng mga planetang nagtapat
Walang tadha-tadhana, sa gusto nang lumaya
At awa, lang ang pabuya sa pagpaparaya
Kawalan ang kalawakan kung wala ka
Kawalan ang kalawakan kung wala ka
Hook:
Panandalian na ligaya
Umukit sa isip nang akoy dumungaw
Sa dagat ng mga talaay gumuhit ka
Na parang bulalakaw