Single

Damit


Damit
Jnske
2018

Intro:

Dumadalas na ang minsan

Nasasanay ka nang ganyan

Palibhasa alam mong hindi kita kayang tanggihan

Masyado mo akong naabuso

Dinadaan mo ako sa usok

Di madadala pag di ka natuto

Puros bigay kaya napapasubo

 

Verse 1:

Huwag kang maaliw sa mga 

Nakikita mo hindi ka pa baliw

Baka sa kakaganyan mo

Hindi ka na makabalik sa pinanggalingan na

Tuluyan ka na ngang mabaliw 

Ayaw pa na bumitiw

Gusto niya yung gamit na gamit

Ayos lang kahit kanino na halik nang halik

Di na tinatablan ng mga salitang masakit

Makikilala niyo siya kapag nag tanggal ng damit

 

Chorus:

Huwag kang magtitiwala hanggat

Lalo pag di mo pa siya kilala nang sagad

Magagaling sila kaya nila na magpanggap

Tumingin ka sa paligid mo at wag maging bulag

 

Verse 2:

Sa katotohanan

Para sa kanya ay araw araw swerte

Gabi gabi iba't ibang katabi niyang lalake

Ayos lang na umagahin may kinita namang swabe

Kaya niya nang bumili ng minimithi nya dati

Kaso di niya makita

Ang halaga ng dangal

Gusto niya lang ay kumita

Hindi ka ba binabagabag ng konsyensa mo

Na baka isang araw anak mo naman ang makakakita

Ayos lang kahit gamit na gamit

Atleast may bagong damit

Galing sa binayarang halik

Gagawin niya ang lahat ng gusto mo

Sa paraang malupit 

Basta pagtapos may kapalit

At di na siya tinatablan 

Nang kahit ano mang

Salitang masakit man o mapait

Gusto kong ipakilala ulit 

Ang babaeng nakatago ang landi

Sa loob ng damit

 

Repeat chorus

 

Outro:

Dumadalas na ang minsan

Nasasanay ka nang ganyan

Palibhasa alam mong hindi kita kayang tanggihan



OTHER LYRICS

Alipin (feat. DJ Arthug)

Ginoong Rodriguez
Batas
2021 Album

it’s strange

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

Bulalakaw

Kampilan
Apoc
2023 Album

Marlboro Black

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

Fig Newtons

The Lean Sessions EP
Bambu
2013 Album

FEATURED ARTICLES