Album

Bayad Ko (feat. Noel Cabangon)


Matrikula
Gloc-9
2009

Chorus (2x):

Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi

Bababa na po ako eto po ang bayad ko

 

Verse 1:

Si Mang Berto na sumakay sa may kanto

Atin nang simula ng mga kwento

May kaisa isang anak na babae

Ngalan ay Luisa isang estudyante

Ang pag-aaral iginagapang

Upang kahirapan ay matakasan

Isang gabi ng Marso bandang alas otso

Maagang umuwi ng bahay si Mang Berto

May dalang supot ng pansit at mamon

Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon

Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha

Ang kanyang pinakamamahal na si Luisa

Dapat sana'y meron na silang patutunguhan

Ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan

Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Pangarap ni Luisa ay inanod lang na kasabay

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Pagdaan sa may Quezon Avenue

Sumakay naman si ate Marilou

Bente kwatro anyos walang natapos

Ang anak ay nasa ICU

Pag patak ng alas onse naka-kolorete

Siya'y nasa tabi at pumapara ng kotse

Kahit dos bente kanyang papatulan

Pambili ng gamot Para malunasan

Kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak ay madugtungan

Bukas ng gabi naman may ilang buwan na ring kanyang ginagawa walang matagpuan

Walang siyang magawa, bakas sa mukha lahat ng pait ngunit

Sanggol niya'y walang kapalit

Kahit alam nyang siya'y nahawa ng sakit

Para sa kanyang anak gagawin nang papikit

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

May isang batang nakasabit sa istribo

Anim na taon ang pangalan ay Benito

Maghapon magdamag siyang nagtratrabaho

Punas ng sapatos at bote dyaryo

Para may makain ang tatlong kapatid

Lima, apat, dalawang taon, isang batang paslit

Pa lamang ay naatang na sa kanyang balikat

Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat

Nang ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan

Sinubukan niyang pigilan ngunit siya'y pinagtulakan

Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid

At sa isang kariton ang hininga'y napatid

Ngayon ay di nabatid kung ano ang siyang hatid

Ang bukas para kay benito na tila parang manhid

Na sa hapdi na dulot ng mga pangyayari

Sumisinghot ng rugby bumaba sa may Malate

 

Repeat chorus

 

Outro (2x):

Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating

Tumawag lang kay mamang driver tayo'y makakarating



OTHER LYRICS

Sizza Baby (feat. Nateman)

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

Inday (feat. Cathy Go)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Kamusta Jepoy?

Kamusta Jepoy?
Rambling Man
2017 Single

Sakay

HARANASA
Kiyo
2021 Album

1991

1991
Asser
2019 Single

FEATURED ARTICLES