Album

Parisukat


Realistick
Stick Figgas
Producer: Stick Figgas
2018

Chorus:

Ang mga butas sa pader ay nakatingin

Mababang kisame ay nakikinig

Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha

Di man umiikot, ito'y nalibot na

Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

 

Verse 1 (Ron Henley):

Di mo ko kinikibo, tapik na ko nang tapik

Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik

Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi?

Nung naiputan niya, sariwa pa rin sakin yung hapdi

Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin

Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin

Wala nang takas sa masamang lasa ng nicotine

Napa-praning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin

Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato

Detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado

Kusang di ko na kailangan ng matataas na grado

May mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto

Marunong magpatawad pero di nakakalimot

Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot

Sa mundo kong ito, di mo na ko mabibilog

Tiyak lulutang yung basurang itinapon mo sa ilog

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Loonie):

Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno

Kailangan kong magka-ganon ayokong mahuli sa kwento

Dala-dalawa na ang telepono, di pa rin kuntento

Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento

Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto

Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati sweldo

Kasi trenta porsyentong rason kaya to inimbento

Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno

Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban

Para lamang maging alipin ng kahirapan

Parang salamangkerong pinapili ang nanonood

Kanan man o kaliwang kamay siya pa rin ang siyang nasusunod

Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan

Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral

Na dapat maaga mong natututunan

Tulad ng di ka malaya, malawak lang ang kulungan

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Wala na akong ibang mahihiling pa

Sa sulok ng mundong ito

Kapiling kita, o sinta

Bakit ba sa tuwing pinapalaya mo?

Labas pasok pa rin ako

Sa bilangguang nakasanayan ko

Woah

 

Verse 3:

(Ron Henley)

Gustong kumawala ng kamalayan di sanay na palaging gala

Maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga

Lansangang maraming daga, basa, maingay na talipapa

Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa

(Loonie)

Sa sinasabi ng iba wag ka masyadong magbabalewala

Marami nang buhay ang nababalewala, napariwara

Kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala

Makakatakas ka lamang sa parisukat

Kapag nakahiga ka na sa parihaba

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

We Made it (feat. Flow G)

We Made It
Nik Makino
2024 Single

Crazy World (feat. Ninni)

Plastic Age
D-Coy
2001 Album

Tissue

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Tatlong Taon

Sari-Sari Story
Gloc-9
2024 Album

GO GETTA

O COAST
O Side Mafia
2022 Album

FEATURED ARTICLES