Verse 1 (KJah):
May nakikita ka pa bang naglalaro sa kalsada?
Hinihingal, minsan nadadapa mga bata wala na
Nasan sila? Hindi mo makita
Nagkukulong sa isang kwarto ang laman ay teknolohiya
Nagkukumpulan hawak hawak ay barya
Noon sa batong pamato kami ay masaya na
Mga lata takip nang botelya tsinelas na di goma
Sipol ni inay ang nagpapauwi hindi ang pera
Pansin mo bang bumibilis ang oras
Umidlip sandali heto nanaman ang bukas
Di mo kelangan mag igib meron nang mas mabilis na lunas
Pihitin lang ang gripo meron ka nang pang hugas
At pang hilamos sa kamalayang kulang na sa ehersisyo
Lampa na ngayon ang tao tawag ba dito'y progreso
Panatilihing makaluma ang asal
Sa panahong moderno disiplina ang natural na magarbo
Chorus (2x):
Taon-taon may bagong naiimbento
Buwan-buwan may bagong establisyemento
Araw-araw apektado ang mundo
Hindi mo pwedeng doblehin iisa lang ito
Verse 2 (KJah):
Asan na ang puno na ating pahingahan
Ang bunga ng buko na ating iniinuman
Nagpapa-abot hagod sa tuyot na lalamunan
Isa-isa nang pinutol ginawang pulut-pukyutan
Pugad ng tukso ilaw na naghahabulan
Sa dati niyong tagpuan iba ang iyong dinatnan
Wala na ang tanawin laging pinag mamasdan
Malusog na palaisdaan ngayon ay basurahan
Pabrikang ipinalit sa mayabong na sakahan
Mineral na binubunot sa lupang di makalaban
Aagos ang tubig sa biyak na nilalakaran
Darating ang panahon kailangan mo tong bayaran
Aanhin ang pribilehiyo na magpapabago
Maganda sa paningin pag pumikit nakapa baho
Hindi imposible ang malapit na pag gunaw
Ikaw ang may kasalanan masyado kang nasilaw
Repeat chorus
Verse 3 (Tala):
Balik tanaw sa panahong nakalipas na araw, buwan , at taon
Mayabong na sakahan tanaw sa kapatagan
Dinungaw ng silais ang uwang nang mga sanga
Sa huni nang hangin umiindayo
Pinagtagpo ang daloy ng tubig alat sa tabang
Walang hadlang sa pag agos payapa ang hampas ng alon
Nag hilamos nanumbalik ka sa tuluyang katayuan
Daluyan ng tubig ay isteryo nang tinuringan
Talamak na tapunan nang tambak at basyo
Kina gisnan na bukirin may pabahay nang itinayo
Lipunang nilunod sa ilusyon
Nadaan sa mahalimuyak na pangako nn pagbabago
Dahil nangibabaw sa puso ang kinang ng ginto
Yamang likas na kinamkam sa ngalan nang negosyo
Sino ang may sala ako, ikaw, tayo, oo ang tao
Repeat chorus (2x)
Outro:
Taon-taon
Buwan-buwan
Araw-araw apektado ang mundo
Hindi mo pwedeng doblehin iisa lang ito
Taon-taon
Buwan-buwan
Araw-araw apektado ang mundo
Hindi mo pwedeng doblehin iisa lang ito