Chorus:
Iba ang panaginip sa humihiling
Iba ang naaakit sa nahumaling
Iba papalapit sa dumarating
Iba ang iyong akala sa gusto kong iparating
Iba magkatugma sa magka hambing
Iba ang binati sa pinansin
Iba ang maangas sa magaling
Akala mo parehas buklatin mo ang babasahin
Verse 1 (KJah):
Iniisip mo ba anong maririnig mo na tula
O iniisip mong patugtugin habang nakahiga
O gusto mong gawin ito kaso tinamad ka bigla
Kung yan ang nasa isip mo ay wala kang magagawa sa buhay
Ilan na ba nalampasang unos ay hindi mo naman talaga inayos
Di ikaw ang nag tapos
Ang problema’y dumadapo sa nakikipag tuos
Pagnalutas ay may pabuya lumalayas sa hindi kaya maging kaos katulad mo
Bakit hindi ka natuto ng karanasan di pinapalagpas parang minuto
Yan ay sina-sapuso solusyon sinasaulo
Ituring mong ang tamang pagmamalaki ay premyo
Bweno! Madali lang manghiram ngunit mahirap mag pumilit
Sa may ari na wala siyang paki alam
Haka-haka ay dagdagan at ikaw ang mag patunay
Sa pamamagitan ng iyong pag maman-man
Repeat chorus
Verse 2 (Bassilyo):
Malaki talaga ang pagkakaiba
Pag di pareha ang mga kinukumpara
Parang lamparang ginintuang puno na ng alikabok
At palarang kumikinang subalit ang rupok
Ang likod ay papel at ang papel ay likod
Konting ulan asahan mong natural lamang na pag tiklop
Kapag puno na ang salop ilipat mo nang sisidlan
Kung malalim wag subukin wag lang basta sisid lang
Kung hindi mo naman masyado kailangan wag mong bibilhin
Wag mo rin itapon o alisin kung hahanapin din
Wag mag tanim sa utak ng galit at panibugho
Baka masiraan nang ulo kapag tumubo
Wag mag turo hay nako baka manuno ka
Ako'y walang katulad kung tingin sa akin ay iba
Ang masaya na panaginip ko'y pangarap lang
At ang huwad na kalungkutan ay siya pa ang katotohanan
Di ba
Repeat chorus
Verse 3 (Anygma):
Iba ang mabuhay nang hindi gising
Sa simpleng pating-tingin na iba rin samin sana napag intindihin
Di ba magka tunggali ang batang unti-unting naka silip ng bituin
Pero pumipikit pag sapit ng takip silim
At yung batang walang anumang pamahiin o paumanhing sumisid mismo
Sa pinaka dilim at lib-lib ng pag-iisip
Ang sarap isara isa-isa sabi ng pisara
Nang masira't mapisa mga sari-saring pag sasarili
Lipad pa sana para di basta maparalisa sa pag ka patag nang umapaw
Sa sahig ang pagsisisi
Taga-hanga talaga o taga pag pasa ng chismis
Mapapayaman nang maabutan ng pinaasang alipin
Maraming linya sa labas ng tinta tama dapat piliin
Verse 4 (KJah):
Masarap makinabang na nag-aabang ka lang
Walang intensyong makahalo agad mong matatagpuan
Nag reklamo ka nanaman kampante kang may aasahan
Wag natin patagalin ibigay ang kanyang kahilingan
Ako ma’y nalulungkot minsan gusto nang manuntok
Ay nag pasensya habang hinahatag ang tamang sagot
Di ka dapat matuwa bagkos ikaw ay maasar
Kinunsinte ka ng taong hindi rin naman magtatagal
Halimbawa ang sitwasyon bukas ikaw lang ang buhay
Hindi mo kayang tumayo nasanay ka nang matamlay
Patay na ang gumagawa ng saklay sino hihingan ng tulong
Blangko ang daan sa isip tinakbo hanggang sa dulo
O sadya lang ganito likas satin ang mamihasa
Nakakapag taka nawala ang iyong panlasa
Baka dahil sa anong ihain iyong kinakain
Ang haba ng awit na ito'y bitin para sakin
Kaya dugtungan natin
Kahit na walang tunog na nadirinig wag ka munang umidlip
Kanina pako hapong-hapo sa kakasalita kumpara satin dalawa
Ako ang dapat mainip ni hindi ko nga alam
Kung sa dami naming binitawan ni isa meron kang naintindihan
Wag mong balewalain na tatlo na kayong wagi
Sino man ang sumaway meron kalalagyan