Mga Kababayan ko
Wala na ang kaibigan ko
Wala nang magulo
Isang ama sa walo
Wala na ang kaibigan ko
At magpahanggang sa dulo
Ay ayaw niyang magpatalo
Wala na ring pilyo
Kahit kwarenta'y kwatro
Wala na ang kaibigan ko
Ito ay naka korto
Mukha lang binatilyo
Wala nang isang henyo
Wala na rin si gwapo
Wala na ang kaibigan ko
Pwedeng mag inglisero
Pwede ring dilang kanto
Wala na si idolo
May buhok man o kalbo
Wala na ang kaibigan ko
Dito tiyak ang sagot mo
Wala yan sa lolo ko
Batanes hanggang Jolo
Maging sa buong mundo
Pano na ang nasyonalismo
Sinindihan na kandila liwanag
Ang ibinigay
Parang liwanag ng araw sa bukang liwayway
Mga sinulat ng kanyang kamay
Inisip ng kanyang utak
Di mabilang sa mga daliri na
Humahawak ng mikropono
Mic check
His rhymes na may sense
He grips the mic stand
So he could rap again
Tinta ng kanyang panulat
Parang balitang inulat
Lahat ng tao'y nagulat
Sa pagsambulat namulat
Di ko masabi kung bakit
Sa akin ay may pagtingin
Ang taong tanging nakabibilang
Ng butil ng buhangin
Parang plato ng kanin
Na palaging nakahain
Di kailangan ng ulam upang
Utak ay mapalalim
Kaya't ang tanging dalangin
Tuloy tuloy na palarin
Tuloy tuloy na umawit ang
Siyang tunay na hangarin
At sa bawat letra kong
Isusulat na bubuo sa kanta
Ika'y samin mananatili
At wala nang iba
At nasubukan ang pagkamakabayan mo
Nang bigyang pag alaala isang sabado
At sa pag lipad ng mga puting lobo
Mapa ng pilipinas
Binuo nito
Binuo nito
Ni idolo
Ni idolo
Mga kababayan ko
Nasa langit na ang kaibigan ko