Tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais
Na marating at matupad
Bakit pa luluha?
Bakit maghihirap?
Ayaw mang mangyari
Ay di masasabi
Minsan tayo ay nalilibang
Di natin napapansin
Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin
Sana'y nasabi ko, sana'y nalaman niya
Sana'y nung giginaw ay hawak ko ang palad niya
Ngunit naisip ko, ngayon ay mas dinig
Kahit na isang bulong, kahit na isang pintig
Ang puso pag sinabi mong siya'y mahalaga
Asahan mo'y sayo ganun din ang nadarama
Isip ay nalilito, pag naka kita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo
Ay isang malaking tukso
Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan
Matapos ang lahat, isa lang ang aking napatunayan
Huwag mong hayaan na parang alikabok sa lasangan
Na lumilipad lipad at tuluyan nang mapahalo
Pag umula'y magiging putik, sa kanal na bumabaho
Sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi
Lahat ay nakatakda, pero hindi ka pwedeng mamili
At kung mayroong pagkakataon, mahigpit mong yakapin
Dahil baka bukas sayo'y bigla lang agawin
Tubig ay natutuyo
Bulaklak ay nalalanta
Araw ay lumilipas
Sa gabi rin ang punta
Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan
Salamat sa pagkakataong kayo ay naka sama
Salamat sa mga araw, may luha man o tawa
Salamat dahil nalaman ko ang aking pagkukulang
Pero sa kabila nito, ako'y hindi mo kinalimutan
Salamat dahil ako'y tinuring mong kaibigan
Salamat at sa susunod nating kamustahan