Single

Kamusta Jepoy?


Kamusta Jepoy?
Rambling Man
2017

Kamusta ka na Jepoy, anong balita?

limang taon nung huli tayong nagkita,

ako? wala naman masyadong nagbago,

mas tumaba lang at bantay sarado,

ni misis, hindi na ako palainom,

maingat sa diyeta, hindi kagaya non,

mataas ang presyon, yun ang findings ni doc,

napraning si kumander: wala akong lusot,

paalam Red Horse, paalam crispy pata,

cliche kung cliche: ang sarap maging bata,

pero wala pre, ganun ang buhay,

dati'y nagbabanda, ngayon hanapbuhay nalang,

iba talaga pag pamilyado,

masaya naman pero minsan para bang kalbaryo,

kaya't ang sarap alalahanin

nung mga panahon ng jamming natin,

blues, soul, funk kahit pa metal,

ang lupet mo mag gitara, nakaka utal,

kahit halatang malayo ang agwat mo sa amin,

kami pa rin pinili mong kajam at tropahin,

balita ko kay Jeff, malakas daw shop mo,

pag punta ko sa 'tate, tara jam na 'to!

pa discount dun sa Ibanez, dehins joke lang,

pero seryoso pre, kahit 10,000 nalang,

ayun lang tol, gusto ko lang mag paramdam,

namimiss ko na kayo at ang nakaraan,

anyways, sunduin ko na si misis,

this is Ricky signing off, your favorite bassist



OTHER LYRICS

Ito Ang Kanta

Ito Ang Kanta
3 Thug Jewels
2015 Single

Labad

Hi Haters EP
Hero of Nopetsallowed
2017 Album

Rap Ka Nga

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

G.I.T.S.

G.I.T.S.
Marcus Prolifik
2017 Single

Paradise

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

FEATURED ARTICLES