Verse 1:
Kawawang bata, pinabayaan ng sariling mga magulang
Ngayon nakasilong na sa loob ng kabaong binabaon parang utang
Kawawang bata, di marunong makipag-gitgitan pag nagkakasakalan
Ngayon para na siyang abong hinangin at naglaho sa kalawakan
Dalawang pananaw kung anong gagawin sa mga sumakabilang buhay
Ito ang tunay, lahat tayo's magiging panaba lamang sa lupa para sa pagpatubo ng gulay
Walang matitira, malulusaw lahat maski kalansay
Chorus:
Tinatakbuhan ang bawat kahapon parang may gustong makalimutan
Hinahabol ang pagbubukang liwayway
Hinahabol ang susunod na kaarawan
Hanggang sa panimula ng bawat panibagong kabanata
Kahit anong gawing pasikot-sikot nakabuntot pa rin parang problema
Hindi matatakasan, hindi malulusutan
Kahit na ika'y tumakbo, matisod, madapa at masugatan
Ang lahat ng ma-enkwentro'y nag-iiwan ng bakas
Kahit kaila'y di mababaklas
Kahit na antayin mo pang matapos ang patalastas
Verse 2:
Ang batang laki sa layaw ay siguradong maliligaw
Sa umaalingawngaw na usok, masyadong mapusok
Di na nag-iisip, parating sinusunod ang puso
Minsa'y tama, kadalasa'y mali
Kapag pumalpak, ang palagi niyang sinasabi ay "di na bale, pare"
Parang walang paki-alam sa mundo kahit saan man mapadpad
Lakad lang siya ng lakad dahil walang permanenteng pugad
Dumadaloy ang dugo sa ugat palabas sa kanyang sugat
Nakasulat sa tubig ang kanyang pangarap na di na maririnig
Kawawang bata, di na mapinta ang natutumbang tindig
Kawawang bata, di man lang naranasan ang pag-ibig
Kawawang bata, sa murang edad ay nakilala ang kasakiman ng mundo
Tulad ng oras para sa sweldo at pera para sa prinsipyo
Kawawang bata, walang nagbantay walang gumabay
Mali na nga ang piniling daan, nagiba pa tinatawirang tulay
Kawawang bata, pinabayaan ng sariling mga magulang
Ngayon nakasilong na sa loob ng kabaong binabaon parang utang
Repeat chorus (2x)
Verse 3:
Ang batang laki sa loob ng palasyo ay isang kondisyong masama sa kalusugan
Dahil ang bata'y nagmimistulang pilay, parating may alalay
Di makakagalaw ng di sumisigaw para sa tulong
Kawawang bata, ang di paghihirap ang magiging ulupong
Sa buhay niya, di maaasahan, di mapagkakatiwalaan
Pupuluputan sa leeg at sususnugin sa kasinungalingan
Kawawang bata, di marunong makipag-gitgitan pag nagkakasakalan
Ngayon para na siyang abong hinangin at naglaho sa kalawakan