Verse 1 (Loonie):
Sinungaling ka, sinungaling ako, sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo
Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno
Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
Baradong inidoro sinong galing sa banyo
Mahirap malaman kung sino saatin ang tapat
Sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi
Sinungaling yung tsuper pati yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan anak ng tinapa
Sabi nya ikaw lamang at wala nang iba pa
Kasama nya yung sinungaling mong tunay na kaibigan
Na dadamay sayo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pano mong malalaman ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan
Chorus (Loonie):
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo
Sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sinungaling ka rin
Verse 2 (Ron Henley):
Meron akong kwento isa daw syang henyo
Kaya pala kase mahilig sya mag imbento
Bawat may makilala may panget na komento
Pero pag kaharap parang galing sa kumbento
Makamandag kase dila ay hawig sa ahas
Dahilan para kagatin ni eba ang mansanas
Ngunit ako'y matalas, wala na syang takas
Alam na namin na di sya lumalaban ng patas
Mag ingat ka na rin, may balak syang maitim
Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
Iba't-iba ang hugis at kulay
Sa pag sisinungaling sya nabubuhay
Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
Repeat chorus
Verse 3 (Tuff):
Di ko alam kung sino ang mga bulaan.
Pero susubukan kong hulaan
Mga nakangiti sa pagkislap ng ilaw na parang isang larawan
At biglang dinaig ng mga bulungan ang tawanan
Na parang paligsahan batuhang kaliwa at kanan.
Kasing kinang ng perlas ng kasinungalingan
Pero bakit ba malabo ang katotohanan?
Ngayon subukan mong bilangin kung ilan ang tunay mong kaibigan
Isa, dalawa o sampu, ilan?
Ilan ang pwede mong silungan sa gitna ng ulan?
Ilang ang tunay na bakas na maaring mong sundan?
At ilan na ba ang patalim mo sa likuran?
Anong nakita mo paglingon sa'yong pinanggalingan?
Di na rin ako naniniwala sa kasabihan
Kaya wag ka magtaka at itanim sa isip
Minsan mas sinungaling ang kakampi mo kaysa sayong kalaban
Repeat chorus (2x)
Verse 4 (Loonie):
Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayron dalawang nakabahag na nakaharang
Yung isang daan papunta sa kabihasnan
Yung isa naman papuntang kapahamakan
Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang-magkamukha parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapag-pahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD yan
Pano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan