Intro (Gloc-9):
Hayaan n’yong ipakilala kong muli sa inyo:
Karl Banayad, tagapaglatag at tagapatag
Narito muli ang inyong lingkod, Gloc-9
Let's go!
One time
Chorus (Gloc-9):
Mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(No’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
Itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(Kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
Iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(Bawal ang maarte, bawal ang sakim)
Nang matiyak ko na aking makukuha
(Sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)
Verse 1 (Gloc-9):
Banat nang banat, ikalat, ‘di magpapaawat
Bayad nang bayad, sumayad hanggang magkalamat
Lakad nang lakad, natanas, nawala na’ng balat
Sa paa ko malayo, paspas man o banayad
‘Di kasali ang manibela hanggang Estrella
Nakasabit, nagalit kundoktor, kulang ang pera
Upang makauwi, nangutang ako sa’yo ‘di ba?
Sabay takbo, iwan ako, sanay sa etsapwera
Refrain:
Ganyan noon ang laging inaabot ko
Ngayon ay nag-iba noong naabot ko
Tala na sabay natin na ginugusto
Sila’y naghilata habang binuhos ko
Pre-Chorus:
Kumukulo sa init, ‘di alintana ang pasò
Handa sa pagsusulit, laging maagang pumasok
Namanhid na ang batok sa lahat ng mga dagok
Kami ang nag-igib kaya kami din ang sasalok
Chorus (Gloc-9):
Mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(No’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
Itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(Kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
Iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(Bawal ang maarte, bawal ang sakim)
Nang matiyak ko na aking makukuha
(Sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)
Verse 2 (Karl Banayad):
‘Di ko akalain na aabot ako dito
Makasama ko ang aking paborito na makata sa Pinas
Parang kausap ko na din si Kuya Kiko
Grabe yung ngiti ko, abot-langit, walang biro
Dapat laging magaling, kahit wala sa mukha
Kada dakdak madiin, hindi mabuta-butata
Natupad ang kalahati sa pangarap ko bigla
Na dala-dala lang ay isang malalim na tula
Kung nabubuhay lang si Nanay, malamang isa sya sa pi—
—nakamagandang babaeng may matamis na ngiti
Sa dami kong natanggap na papuri ay hindi
Kumapal ang apog ng makahiyang nakatuping
Nakatanim sa’ming lugar na may bungang matinik
Tigas ng ulo sa pangarap lang ginamit ‘yung kulit
Na parang bagong gupit, kada sulat masakit
Palaging malupit na parang naka-Tribal na damit
Gloc-9:
‘Pag sa amin dumikit
Chorus (Gloc-9):
Mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(No’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
Itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(Kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
Iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(Bawal ang maarte, bawal ang sakim)
Nang matiyak ko na aking makukuha
(Sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)