Intro:
Ay, ay, ay, ay
Princess Thea, mabangis
Yeah, yeah, yeah, yeah
Princess Thea, mabangis
Princess Thea
(Woo, woo, woo)
Chorus (2x):
Malandi, bilin sakin ng iba
Mga pare, makinig ka sakin uh
Mga ate, bumilib ka sakin uh
Wag niyo akong husgahan, hindi niyo pako kilala
Verse 1:
Princess Thea, ang aking pangalan
Sa mga hakbang, tila ba ang daming nakaharang
Nag-aaral po ako, huwag niyo akong husgahan
Hindi ka hukom at wala tayo sa hukuman
And daming nanghuhusga, kahit na hindi ko naman kilala
Kapag ka sumasampa sa entablado, tila ba pilit ang pagtingala
Pati kabilaan ang mga salita, ang tingin sakin ay pariwara
Eh wala naman akong maling nakikita, saking mga ginawa
Eto ang nakahiligan, iba sa mga ka-edaran na kinamulatan
Ngayon ay pinag kakakitaan, isa sa gabay para sa kinabukasan
Sakin pag-aaral hindi naging sagabal, alam ko ano ang dapat na unahin
Nagdarasal muna bago magtanghal, yan ang turo ng magulang sakin
Kaya ako'y tuloy-tuloy lang, di ko dinadamdam ang mga komento
Mabait ako kung di nga lang naging rapper malamang ako'y nasa kumbento
Kaso ito ang naging direksyon ng, mga paang nakasayad sa kungkreto
Ako ay naniniwalang balang araw magkakaroon din ako ng sarili konsyerto
Pre-Chorus:
Hindi masama ang mangarap, malapit ko na namahanap
Basta ako ay magsisikap, hanggang sa tuluyang mayakap
Ko ang tagumpay, husayan nang walang humpay
Marami mang pekeng naka palibot ako ang magpapakatunay
Reepat chorus
Verse 2:
Pangalawang berso isinulat ko sa papel na kapiraso
Hanggang sa mabuo mga letrang aking tinahi na para bang ritaso
Nakakapanibago, jusko saking inihanda daming nakisalo
Mga di naman imbitado puro negatibo pa aking salitang inabot
Sana'y mangilabot, naman, kayo sa inyong mga sinasabi
Sa edad kong trese tila ba ang pamantayan ay hindi balanse
Balakayodyan, oras ko sa inyo hindi na aaksayahin
Pagtutuunan ko nalang ng pansin mga bagay na dapat kong gawin
Baka sakaling may marating, ang tagumpay ay mapatikim
Pagka nahinog may mapipitas na rin ng mga bunga sa aming pananim
Mula sa ilalim, sana ay sumikat pagdating ng araw
Matupad ang lahat ng mga hiniling sa mga dumaan na bulalakaw
Pahalagahan ko, napaka, aking napasakamay
Pero mananatili pa rin sa lupa ang aking mga paa san man mapalagay
Marami man ang nanghihila, never ako na manghihina
Positibo pa rin ang pananaw kahit na pangit ay aking nakikita
Repeat chorus