Verse 1:
Mulat na ang mata na nakasara
Narinig ng tenga na walang bara
Paos na tinig sa bibig ay handang magsalita
Sa naamoy na alingasaw sa mga balita
Araw araw na lang laman sa pahayagan
Na ang harap na pahina tungkol sa karahasan
Ilang dugo pa ba ang kailangan na tumagas
Inosente, kriminal parehas hirap dinanas
Ugh! Di na nalalayo
Ang kriminal at terorista sa nakaupo
Laging pagkitil ng buhay ba ang solusyon
Parang pansarili nais ang inyong ambisyon
Nasan na ang ating kapayapaan
Kung gabi gabi may nakahandusay sa lansangan
Tila nawawala ang katarungan ng bawat isa
Kasi kahit san magpunta laging kaba nadarama
Chorus:
Ang panawagan (kapayapaan)
Iisa lang ang buhay dapat pahalagahan
Ang panawagan (kapayapaan)
Sa bawat dugong tumagas aking tatakpan
Ang panawagan (kapayapaan)
Kapit bisig ang puso’t diwang nasaktan
Ang panawagan, pakinggan
Kapayapaan ay nasaan
Verse 2:
Ang kabataan ang pag asa ng bayan
Wag imulat kanilang isipan sa maling lipunan
Ano kaya masasabi ng ating mga bayani
Kung ganitong pangyayari ang namamayani
Ano daw ang dapat umiral batas o dahas
Lintik nabunga yan dugo kumakatas
Ang pagbabago nilalagay sa tamang proseso
Wag ilagay sa kamay ang paghatol sa mga tao
Imbis magkalahi, magbarilan sa may kanto
Bigyan pansin bayang inagawan ng teritoryo
Sumaklolo kapwa kapatid natin sa kahirapan
Ating tulungan wag abusuhin ang kapangyarihan
Di nagtanim ng galit sa inyong mga layunin
Bagkus sangayon pa nga sa pangunahing mithiin
Kaso parang mali pinairal niyong sistema
Kasi sa mata ng bata ang mali nagiging tama
Repeat chorus
Verse 3:
Ang sandata kasangkapan lamang
Wag asal hayop sa sariling bayan
Walang mapapala sa santong paspasan
Pag isipan maigi hakbang na lalakaran
Hatakan pababa para umangat siya
Maling gawi na sistema wakasan na
Sa lahat naiiba pero di ako masaya
Ang pamarisan pa naku di bale na
Iisa lang ang buhay
Itama ang mali tapos putulin ang sungay
Iisa lang ang buhay
Mahalin mo ang kapwa at bayan ng tunay
Iisa lang ang buhay
Talento gamitin sa mabubuting bagay
Iisa lang ang buhay
Panawagan sating buhay na maging mahusay
Repeat chorus (2x)