Album

Panipi


1001
CLR
Producer: CLR
2022

Di niyo kayang hadlangan si Wanakoy alam niyo yan
Walang kaugnayan kahit kanino man
Musika ang aking tanging paraan upang mahatid ang
Mga tamang mensahe sa kahit sinuman

Dinistrongka nang mabuti
Kaalaman lang ang susi
Mala-Magnum ang dura di na ma-uzi
Gaawas-awas ang karunungan ko, majuicy

Oo ako lang to wag nang machoosy
Sa catalog ko'y parang nanoood ka na ng movie
Madiin pumitik ng pantig parang sapak ni Bruce Lee
One inch punch pero durog ang 'yong baluti

Nameless nung ako'y rookie
Blessed dahil sucker-free
At malamig ang trato sakin buti merong hoodies
Dineadma ang issue nung napatay ko na si Jawtee
Barado dahil nagoverflow ang cash flow

Naka-panipi, ga-pitìpitì
Kung san man ako dalhin nito'y
Magkisikisi, ang mga talangka
Habang ako'y ga-ngisingisi
Mahina daw ang aking alon
Nung sinalubong ay bigla silang nagsisi

Lowkey noy pero malupit
Pangalan ko'y bihirang mabanggit
Di kailangan ng boost, may organic views
Legal ang aking juice, day zero lang ang makakagets

Sabi ko kay ermats wag alalahanin ang nakaraang datos
Bilhin lahat ng nais kahit lumampas pa sa regular na gastos
At pagkatapos, kumusta mo ko sa mga ka-kosa mo ma
Lalo na kay god, dahil alam kong lagi mo kong nababanggit sa kanya

Medyo busy na nga, pero anak nimo sabta kay para
Inig kagawas nimo mag-gang-gangay na sad ta
May pang gasolina na tayo di mo na kailangang magtulak pa

Dahil ayoko na, yoko na bumalik sa...

No lights, small bed, tiny kitchen
Planado ang lahat ng mga kukuhain pagkagising
Nung pinaamo ko ang kaba dinaig ko pa tol ang nagka-agimat
Gumapang sa trenches aking patunay ang mga sugat sa
Aking puso at ang trauma saking utak
Gumigising sakin tuwing gabi
Ang sakit ay di kayang tumbasan ng salapi
Di kayang tumbasan ng salapi
Aking puso at ang trauma saking utak
Gumigising sakin tuwing gabi
Ang sakit ay di kayang tumbasan ng salapi
Di kayang tumbasan ng salapi

Di nyo kayang hadlangan si Wanakoy alam niyo yan
Walang kaugnayan kahit kanino man
Kahit kanino man
Kahit kanino man
Musika ang aking tanging paraan upang mahatid ang
Mga tamang mensahe sa kahit sinuman
Sa kahit sinuman
Sa kahit sinuman



OTHER LYRICS

Laging Nandyan (feat. Thyro & Yumi)

Last Of A Dying Breed
Blaze N Kane
2014 Album

The Lost Art of Throwback

Expansion Pack
Shadow Moses
2016 Album

Shallow Water Run Deep

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Sinungaling (feat. Ron Henley & Tuff)

The Ones Who Never Made It
Loonie
2010 Album

Mga Praning

Rap is FrancisM
Francis M.
1992 Album

FEATURED ARTICLES