Chorus (Ely Buendia):
Oh nahanap ba ang landas
Sa pag gamit ng armas at dahas
Ano ang ipinaglalaban
Pag-ibig ba o ang sang lipunan
Sound off one, two
Verse 1 (Konflick):
Sa pagkalabit ng armas sa landas ay nahanap lamang
Sa pakikibaka at pakikipaglaban ng bata
Na tanging inisip ay ang kanyang bayang inaapi
Ngunit handang bumangon at ipagtaguyod na muli
Na mga hapdi ng mga sugat
At di na lubos masukat
Akalain na kayanin damhin
Ang ihip ng hangin
Kasabay ng pagulan ng mga bala at granada
Mga tangkeng naka parada
Sa magkabilang kalsada
Sa panananagpo tuloy ang sagupaan
Liwanag ay unti unting napawi ng karimlan
Umaasang pakinggan ng mga dalangin
Nang dakila sa puso't sa diwa
Sumaludo para sa bandila ng Pilipinas
Hanggang wakas hindi kukupas
Nakaukit na saking isipan ang ipinamalas
Na lakas ng isang magiting na babae
Na sa ala-ala ko'y mamamalagi palagi lagi
Palagi lagi palagi lagi
Repeat chorus
Verse 2 (Beware):
Ang bayan kong Pilipinas lupa ng aking lahi
Panatang Makabayan taas noong ipagmamalaki
Dugo mo'y kayumangi pula puti asul at tatlong araw
Luzon, Visayas, Mindanao
Ako ikaw lahat tayo mga pinoy
Dugo mo'y matapang hanggang ngayo'y
Ipagpatuloy pangarap at karapatan ng bayan
Na para sa sanlibutan
Ang aking ipaglalaban makamtan
Katulad ni Private Diane
Saludo ako sa inyo ma'am sa inyong paninindigan
Para sa bayan para sa bansang
Nabubuo ng mahigit sa pitong libong pulo
Apari hanggang Jolo, buong mundo
Ilang dosenang bala ba ang maliligaw
Kailan matapos ang labanan sa Mindanao
Verse 3 (Hi-Jakkk):
Sumisigaw hanggat ikay di tumatanglaw
Saking palinaw itoy parating nakahalaw
Ang bawat kagitingan na iyong pinamalas
Di namin malilimutan ang inyong dinanas
Pilipinas ang ating bayan
Perlas ng sinilangan
Kababaihan dapat nating ipagpunyagi
Ngayon ay ibalik niyo
Madalas kong itanong sanyo
Nadarama nyo ba?
Repeat chorus
Verse 4 (Francis M.):
Mahiwaga ang kasaysayan ng katapatan
At iilan lang handang lumaban
Makipagsabayan sa digmaan
At handang mapaglamayan ng taong bayan
Maitaguyod lamang ang minimithing kalayaan
At kailanman di kayang sukatin ng ano man
Ang alab na lumalagablab saka lagdan
Ng isang tumutulang katulad ko makamandag
Mikropono ko ay isang sandata
Pamalo at (censored)
Langging nakakasa dobleng sentido
Kung pumutok tumutuligsa
Pumupuna nagtatanong naguudyok
Boses koy magsisilbing salamin ng buhay
Dito sa lipunan walang urungan tulad ni DIANE
Ilang patak ang dugo ang kailangang tumulo
Ilang puso ang matitigok
At hihinto sa pagtibok
Ayoko nang magbilang
Dahil walang hangganan
Ang mundo ng karahasan
Repeat chorus