Chorus (2x):
Out of place don't take me out of my space get a taste
Verse 1:
Sumisigaw ang lalamunan wag ninyo akong hawakan
Kasi di ko kasalanan abutin ang kalawakan
Ang mundo ay iiwanan pansamantala man lamang
At nananawagan sa kaduluhan nitong lansangan
Halika na't subukan halikan at subuan
Tikman ang kalayaan pero wag mabubulunan
Sa kapangyarihan at sa pangako ng walang hangganan
Ng katotohanan ipamulat nang sunod-sunuran
At biglang umapaw bituin at bulalakaw
Mga tala sa bintanang dumaraan at siyang humahataw
Walang dilim na sumasapaw at
Patuloy ang angat nitong liwanag na lumutang at nangingibabaw
Mga minutong ninanakaw at dumudulas, lumalabas, kumakalas
Sa ingay niyong lumalakas, pero sa taas paligid ko'y tumatahimik
Huwag niyo kong tanggalin sa panaginip
Bridge:
Itaas ang mga pakpak abutin natin ang mga ulap
Sa pikit ng mga mata nangyayari ang pagka-bulag
Repeat chorus
Verse 2:
nakikipagbulungan sa sarili kung tulungan ang sarado sa kalaban at
Wag niyo kong tutulungan magkapitbahay tayo sa presinto at sa rehas
Pero dito sa taas lahat malaya at pare-parehas
Walang sikip, walang sakal, walang dehado
Baklas ang mga kadena at basag ang mga kandado
Mga utak na sarado ay bukas sa pagsiwalat
Tanggal sa mga balikat ang bigat na binubuhat
Hindi nila makuha na wala itong katulad at
Pag di nila nakuha ang lahat ay nagugulat
Sinira sa isipan ng madla ang kalawakan
Ng akala ng marami dapat na kong pagbawalan
Hawakan, labanan, pigilan, talian
Tingin nila sa akin ay baliw na nasapian
Kailangan daw tulungan at kailangan manahimik
Pakiusap wag mo kong tanggalin sa panaginip
Repeat bridge and chorus
Outro:
Sakalawakan ako'y inyong iwanan
Pakawalan na natin ang trabaho na pinagsawaan
Sakalawakan ako'y inyong iwanan
Bitawan ang bagahe ng nakaraang pinagdaanan
Sakalawakan ako'y inyong iwanan
Ito ang pagkakataong hugasan ang kalawang
Sakalawakan ako'y inyong iwanan
Hanggang maabot ang kotohanan
Sakalawakan