Ako'y mandirigma
Lumaban nang pigilang magwala ang aking diwa
Mga matatalim na salita
Ng sa aking ginagawa ay di makaunawa
Kada bigkas, merong paratang
Bawat hakbang, may nakaambang mga harang
Pinagsisigawang dapat daaanan ang nilakaran ng karamihan
Pero di kakayanin ng tadhana
Na ginuhit ang hawak kong pambura
Gawin ang lahat para sa gusto kong mangyari
Baguhin ang laro, isang haring kayang mangmate
Mga pasakit, kahit sakin ay bumuhos
At ako'y magawang tangayin ng unos
Sa karagatan, 'di titigil sa pagraos
Kahit 'di humihinto sa pagbatikos
Mga isdang akala utak galunggong ako kumilos
Pating lang ang nakakasulong kontra agos
Kapit sa panulat ay mala Aristotle
Malaman ang Platong pinagmulan ng papel
Panggigilan kada hakbangang lebel
Kahit hagdang Penrose madidiskaril
Sa kada labing anim na bara pero nasa singkwenta
Pag sinama mga napaakda sa gitna ng mga linya
Lawakan pang-unawa bago maasinta
Mga isinulat na hindi pinambenta
Pero mensahe'y tatawid nang kung ilang dekada
Bago mabura ang kinasadlakang sistema
Aking pangalan ang aking panata
Tanggalin mga lason sa pang-unawa
Mga hari harian na sa tatsulok nanguna
Lahat sila giba 'pag nagwala ang aking diwa!