Verse 1:
Laging puro tantya kahit anong plangketa
Di matumbok ang tyansa hanggang sa natirang
Laman ng alkansya dalawang sentimo
Kaya ito pakinggan mo ang mensahero
Piloto ng eroplano, pipito ang pasahero
Parang kamao sa buwan ang destino
Kahit kinabagsakan pook singkwenta uno
Di pa rin gagaya sa ibang idolo
Imbes iangat nagawang humakbang
Pababa para kamayan mga mapanlinlang
Binenta ang sarili para maging hari
Tumubo sa kamangmangan ng mababang uri
Mahirap kalabanin ang napasarap sa pwesto
Kung parehas ang kakontrata nyong demonyo
Matibay na prinsipyo, di matumbasan ng piso
Ganito ang buhay ng pursigidong
Chorus:
Mensahero, bawat titik may laman
Bawat kataga tatama sa bisig ng kadiliman
Upang makaraos mula sa pagyapos
Ng kawalang pag-asa ang bayang hikahos
Subukang makinig, tulungang maghatid ang mensahero
Subukang makinig sa mensahero
Tulungang maghatid ang mensahero
Verse 2:
Kahit sinabi ng iba na walang pag-asa
Sa paghahanap ng pag-asa
Patuloy sa pagsulat ng mga linyang
Tagos sa kalawakan, mula sa nakitang
Turo ng kasaysayan at makaahon
Sa apostasiya ng bagong panahon
Mahirap magpadaloy ng makabuluhan
Sa ilog na tadtad ng mga kabulukan
Kada banta kada akda ng mga mamamahayag
Na mawala mga tala na nakakapagpabagabag
Ihatid ang mapait ngunit kailangang gamot
Maraming tanong na hatid ang tunay na sagot
Daanan lahat ng mga distrito
Mula sentro, kada kanto, hanggang sa bawat baryo
Kahit hingal kabayo, bawal ang mapagod
Asahan nyo, inyong abang lingkod na
Repeat chorus (2x)