Meron ring butas ang naghahanap ng lunas
Minsan pabaya at walang pake sa bukas
Pero nais rin ay makatikim ng ubas
Kahit ang kahapon ay di mabura ng punas
Pasaway masyado kada may atraso
Nasanay sa plano na panay ang palusot
Ng batang biglang astang utak tolonges
Inakalang pamantasan ay para lang moriones
Pinag-aral ng bayan kaso sinaniban
Ng maling konsepto ng pakikipag-astigan
Hanggang natitirang hakbang na lang ay paakyat
Nang tumabang ang kapalaran sa dami ng bagsak