Sa pag angat ko ng bandilang iwinawagayway
Simbolo ng tagumpay nasa 'tin nang mga kamay
Nabigyan ng katuparan pang kalahatang mithiin
Wala ka nang mga problema dapat pang isipin
Ang takbo ng sistema sa paligid ay maayos
May pagmamahalan lahat sumasabay sa agos
Kaguluhan, masasamang gawain binasura
Gera ng Pinoy sa Pinas di na makikita
Pagtutulungan na may malasakit na kalakit
Matitikman ang bagay nang hindi lang panaginip
Walang bilanggong iiyak pag sapit ng gabi
Panatag ang pamilyang matutulog nang tabi
Sagana ang lahat, sariwang hangin at pagkain
Walang Pinoy na makikitang alilang alipin
Masaya, ang bawat yakap mas mahigpit
Sino man satin di ko hahayaang may sakit
(Interlude)
Tagumpay, kay tagal na panahong hinintay
Di birong sakripisyo bago napasakamay
Halos ibuhos ko lahat na sakin ibigay
Makamit lang kahit sariling buhay ko iaalay
Dugo, pawis, at ang pambihirang karunungan
Sigaw ng mga taong nag bigay lakas sa laban
At ang ilang paratang ng mga maling unawa
Mula sa umpisa walang lubos na nag tiwala
Dahil isang kahig isang tuka walang natapos
Sa pagsusulat ko na ng lahat ay ibinuhos
At ang hindi inaasahang biglang pagbabago
Pag pagkalampag ni Anygma ay bumuhos ang respeto
Kabi-kabila ang mga taong sumasaludo
Doon ko naramdaman sarap kung pano irespeto
Kaya't sa inyo po'y buong puso kong iaalay
Tunay na tagumpay ay ang pagmamahal niyong tunay
(Interlude)
Tagumpay, istorya ng isang alamat
Tibay, tatag, pusong manunulat
Daanang maliit eskinitang makipot
Mga pagsubok bago karangalan nahakot
Sinalo lahat ng masakit na panglalait
Pero di bumitaw lalo pang humigpit ang kapit
Matamis na ngiti ang sukli ko imbis na galit
Kapalit ay kalayaan ng mga sariling awit
Tandaan para irespeto ng ilan
Maging halimbawa ng isang mabuting dahilan
Tagumpay para samin na kami pakinggan
Tagumpay tuwing maririnig ang bawat palakpakan
Kampay para sa matatag na samahan
Kahit na anong mangyari di mag iiwanan
At sayong mga kamay nakatakdang ibigay
Ang buong pagmamahal, respeto, at tagumpay