Intro:
Papatong mo nalang no?
Papatong mo nalang?
Verse 1:
Buksan ang isipan upang maunawaan
Ang bawat katagang na dahan-dahang bibitawan
Ako'y pakinggan, ang kwento ko'y isalarawan
Kung interesado sa katagang kinabukasan
Isa ka ba tol sa taong meron ding pangarap
Na di matupad kahit anong pagsusumikap
Wag mong ipilit kung baluktot ang pangungusap
Hindi hadlang kung isinilang kang mahirap
Mangangatuwiran, hindi magandang dahilan
Sasabihin mong mababa ang iyong pinag-aralan
Kalokohan, pag gusto gagawa ng paraan
Subukan mong magbago, ang shabu iyong iwasan
Imulat ang mata, isipin mo ang iyong pamilya
Paano ang umaga kung lulong ka na sa droga
Hindi pa huli upang baguhin ang sarili
At laging tandaan, nasa huli ang pagsisisi
Verse 2:
Ako'y pakinggan, ang kwento ko'y isalarawan
Tungkol kay Jessa - dalaga, seksi at mayaman
Isa sa biktima ng drogang salot sa lipunan
Isasalaysay, bawat detalye't kaganapan
Si Jessa umalis, isang lugar pinuntahan
Doon magaganap kaarawan ng kaibigan
Nang matapos ang kainan, niyaya mag-inuman
Agad sumama, akala pinsan ng kaibigan
Oras dumaraan, unti-unting tinatamaan
Si Jessa inalok, ang marijuana ay subukan
Hithit ang gaga, maganda raw sa kalusugan
Hindi na namalayan ng buhatin sa higaan
Saplot sa katawan, inalis ng dahan-dahan
Walang kamalay-malay, ang bangag pinipilahan
Nakakaawa, buhay sa droga ay nasira
Nang siya ay magising, mga mata ay lumuluha
Verse 3:
Ito naman ang kwento tungkol kay Isabelo
Magandang buhay, isang iglap biglang nagbago
Magulang nagsumikap maibigay ang gustong kurso
Ngunit nang magtapos, big-time na tulak ng bato
Linggo ang nagdaan, sa TV ko nabalitaan
Natagpuang patay, putol-putol ang katawan
Pangarap ng magulang sa anak biglang naglaho
Parang gusali, tinayo.. biglang gumuho
Mga sistemang gan'to, pa'no ba malulunasan?
Ano ang gagawin upang hindi mapamarisan
Mga bagong kabataan na nakatikim ng droga
Sa panahon na laganap ang shabu at marijuana
Tukso ay iiwasan, demonyong kaibigan
Wag padadala, isipin ang kinabukasan
Maling kahapon na ginawa ay kalimutan
Ang bawat hakbang, maraming beses pag-isipan
Outro:
(Papatong mo na lang no?
Papatong mo na lang?)
Yo, kwento.. Storya ng buhay..
Mga kaganapan sa iba't ibang sulok ng mundo..
Paulit-ulit.. Nangyari na, nangyayari pa ulit..
Sana kahit sa kapirasong kanta lang,
Maliwanagan ang saradong pag-iisip ng iba..
Payong kaibigan lang, dumaan na tayo dyan..
Gaya ko, gaya mo, gaya nya..
'Di ba alam na natin ang resulta?
Ano pa ba, tigil na..
Gaya mo..
(Dumaan din ako dyan..)