Intro:
May balita bang bago
Magpalitan na tayo
Palawigin mga intriga na narinig lang sa tao
Madali na ang magtahi ng sabi-sabing kinolabo
Kung karamihan nagpapaniwala kahit di sigurado
Verse 1:
Mga palagay na hinango
Sa haka-hakang inako
Saloobin ang pinakamabisang paraan manghimasok
Kapag ang balita nagbaga, yan ay tila ba alipatong
Napakabilis maglipana, dami ba namang makigatong
Mga usaping di matapos, sumisilip ng danyos
Ang mga walang kinalaman, silang umusisa pa lalo
Di alam ang pinagdaanan, sa makatuwid ay di kayang
Suotin ang ibang sapatos, kayang punahin lang ang baho
Kahit anong gawin mong salag, lahat animo'y kinokontra lang
Mabuting nagawa limot agad, sa isang mali timbog ka na
Harapin man o tumalikod, ang paratang ay mistulang patibong
Kapag apektado ka talo-pikon
Parang aminado naman pag tikom ka lang
Kung dati rati nagbubulungan lang ang mga nagdududa pa
At ang tanong na alanganin, mga pinupunla mo magbubunga ba
Mang-uuga pag lumago ka na
At dun mo makukuhang gaya din ng ani
Ang mga sabi-sabi, nangangahulugan na magbubunga-nga
Hook:
Kahit na binabato, tingin nila'y naglilihim ako
Di mo kailangang hanapin ang bagay
Kung la kang ambag sa pagiging ako
Kaya tanginamo
Tanginamo
Di mo kailangang hanapin ang bagay
Kung la kang ambag sa pagiging ako kaya tangina mo
Verse 2:
Di inakalang kikinang, di naman sa nag bibida
Malimit lang nasa gilid may iniisip at tahimik lang
Musika di napagtitripan, kahit na taga hanga'y iilan
Pinag patuloy ko lang hanggang mamunga mga tanim kong dinidiligan
At kung ano mang narating ko ay hindi ko din naman to inasahan
At napakahirap din namang paniwalaan
Tila ba suntok sa buwan pero balang araw ay aking tatamaan
Marami man ang humaharang pero lahat balewala yan, habang...
Likas na nga ang talangkaan anumang pwesto o katayuan
Ginigipit paibaba ang halaga kesyo di namuhunan
O pag hindi natunghayan ang naging prosesong pinag gugulan
Malamang di rin alam kung ano ang presyong makatarungan
Walang bayad at tahimik na nangarap para sarili sa-
Mantalang pag dating ng katuparan bakit parang dapat manliliibre ka
Mga ugaling mala-bwitre parang may loob ka na inutang
Sila ring hangad makuha mga bungang lalabas sayong bakuran at..
Repeat hook