Verse 1:
Simpleng imahe, ako’y nagagalak sa ulap
At ito ang pasimuno sa payak na pangungusap
Pag ang utak parang bulak ay walang bigat sa isip
Kung tugmaan ang hulmahan, di lalaya ang talata, diba?
Mahirap mahulaan kung blangko ang nasa ulo
Di mo mamalayan kung nasaan ang dulo
Ngayon ay eksperimento, ako’y pusa sa kahon
Ang kaso siyam ang aking buhay at ang pagkakataon
Hindi ko sasayangin sa isang hingang malalim
Pagkat kung wala ang hangin, hindi kakalawangin
Mga pangil hahasain, patalasin
At kung ang kaalaman nasa mansanas
Lahat yan ay aahasin
Sshh.. syempre lihim lang to
Kamangmangan ay kasalanan, ito ang pang-walo
At aking napag-tanto kung ganon ako’y santo
Na mas ganid sa liwanag sa sunod na tagpo
Hook:
Sasabay ka ba sa aking lipad? Wag kang kumapit, naku
Maiiwan ka sa ere, lampas langit na to
At magiging abo, mga pakpak na puti
Ako ang limitasyon ko’t ang halakhak sa huli
Wag sumabay sa lipad, wag kang kumapit, naku
Maiiwan ka sa ere, lampas langit na to
At magiging abo, mga pakpak na puti
Ako ang limitasyon ko’t ang halakhak sa huli
Verse 2:
Ngunit wala akong pake kung masunog sa sandaling
Makatakas sa mundo, magliliwanag ang gabi
Nagkalat ang aking labi
Nagmistulang bulalakaw ang iba’t ibang parte
Ngunit di isinantabi ang apoy na nagaalab
Mga luha ay panggatong, panaghoy ay nangangaral
At ako ay bubukod, sa lahat ng talastasan
‘sang dayuhang susunod sapagkat hawla ang tahanan
At di mo masusundan, sa likot ng galamay
Manipulado at gamay, ang tinta ko sa kamay
At kung nais mo ay gabay, di kita masasamahan
Masikip ang daraanan, ka’y iwan sa tarangkahan
At ako’y magpapatuloy, titipunin ang pruweba
Bagong buhay, hahanapin, baybayin mga kometa
Mga linya kong inukit sa dingding ng aking kweba
Ngayon ay isasabuhay sa isang bagong planeta
Repeat hook